APL 29 Just the Way you Are (Part 1)
-true feelings
-New Plan
-Regalo na ni Rikko si Dora.
-Myerkules
Maagap akong nagising dahil gusto kong uminom. Kahapon masaya kaming naglaro ng kung anu-anong games. Sa kasamaang palad halos magkapareho ang Chess club at ang baseball namin. Yun ang napansin ko.
Ngayong araw na ito naman naiisip kong magkapareho nanaman ang sa Culinary ng activity club sa aming Football club. Kaya naman agad na akong nagpunta sa school kahit na wala pang tao.
“Mr. Forrest, bakit parang agap nyo?” tanong sa akin noong guard sa harapan ng school. Ang galing nyang mga yan. Kilala ko sila kasi sa HQ sila nagmula. Kilala rin nila ako bilang mga lalaki. Mga baliw yang apat na yan kasi sa akin sila nagpapaturong manligaw. Tinuturuan ko naman. Hahahaha.. yun ata ang dahilan kaya nila ako tinatawag na MR. Imbis na Miss. Hahahaha..
“Titingnan ko lang yung final touches ng football team.” Sagot ko lang.
“Ah, sige po. Naroon na rin yung kapatid noong team captain ng football may aayusin din daw.” Sabi naman noong isa pa.
“Sige salamat.” At umalis na ako papuntang footbal field.
Sa football field hindi ko inaasahan ang nakikita ko.
“BS!” sigaw ko kaya naman napalingon sya. Agad syang tumakbo ng makita ako kaya naman hinabol ko sya. Bwisit bakit sinira nya ang pinaghirapan nila?
Naabutan ko sya at dahil nga well trained ako, napatumba ko sya at napa-haik sya sa lupa.
“Bakit mo iyon ginawa? Huli ka sa akto!” sigaw ko sa kanya.
“Isang dahilan lang. Ayaw ko ng ginawa namin.” Madiing sabi nya.
“Tingin mo tungkol lang ito sa’yo?! Paano na lang ang mga kasama mo na tumulong maglinis, mag-ayos at magkumpuni ng resto bar na iyon ha!” sigaw ko sa kanya.
Pinilit nya akong titigan bago magsalita. “WALA KANG ALAM!! AYAW DIN NILA NG NAISIP MO!! NATATAKOT LANG SILANG MAGSALITA DAHIL TAKOT SILA SA’YO!!” Sigaw pa nya.
Pinakawalan ko na si BS. Naupo kami sa field na iyoon.
“Alam mo bang natatakot sila sa’yo? Lahat sila. Ayaw lang nilang sabihin dahil baka saktan mo sila lalo na noong mangyari na nagdilim ang paningin mo dahil sa mga coaches namin.” Nanlaki ang mga mata ko.
Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko ngayon. Anong nangyari ba noon? Pagkatapos kasi ng mga nangyari noong araw na iyon wala akong narinig na nag-react o nagreklamo.
BINABASA MO ANG
Ang Pagiging Lalaki
Fiksi RemajaSi Lime Green Forrest. Sa kabila ng kanyang berdeng pangalan ay ang pagiging maginoo nya sa isang lalaki na noong umpisa ay misyon lang para sa kanya at hindi tunay na iniibig. Pero dahil sa pagiging "LIWANAG" ng lalaking iyon na nagngangalang Jin F...