APL- 18 Closer

70 2 0
                                    

APL 18

Alam nyu yung feeling na ang two thousand na studyante hinarangan ka para lang ikaw ang makapagsuot ng dress!!

“MGA HALIMAW KAYO!! LAGOT KAYO SA AKIN!!!!” sigaw ko habang tumatakbo sa buong field. Kagagaling lang namin sa Soccer field at ngayon ay nasa Football field na kami. Mga walang hiya talaga talagang ako ang pinauna dahil ako nakadress ni Cinderella!!

“hoy tangkad! Manahimik ka nga dyan! Tumakbo ka na lang at hayaan mo ang mahuling dumating sa baseball field ang magiging partner mo!!” sigaw ni Rikko sa speakers ng school lalo pa tuloy dumami yung mga istudyante at hindi nga nagtagal ng makarating ako sa baseball field, nakita ko si Jin na sinusuutan na nila ng prince costume. Kita ko rin na nahihingal na sya at konti na lang  e mahihimatay na.

(-_-) si Rikko talaga walang awa.

Kita ko si Rikko mula sa kinalalagyan ko. Mukhang masaya sya sa nagyayari pero ako hindi. At kahit na alam ko sa sarili ko na malapit na ako sa limitasyon ko ng pagtakbo, binalak ko pa ring buhatin si Jin.

Nakatitig ako sa mga mata nya ngayon. Nagtataka sya sa mga tignin ko at patuloy pa rin ang paghingal nya. Umismid lang ako at binuhat sya ng bridal style. Lahat sila ay nagulat, si Jin namula, si Rikko napa nga nga!!

Ano kayo ngayon ha! Bleee!!! Keri ko ‘to!! NAMAN!!!

Tumakbo na ako ng hindi pa rin nagsasalita. Samantalang si Jin gustong-gusto ng bumaba, hindi ko lang pinapayagan.

“Lime, kaya ko pa naman, sinabi ko na sayo na huwag mo akong ituring na babae hindi ba?” inis na sya pero hindi pa rin ako nagsalita. “LIME!! ANO BA!!”

“Makinig ka Jin, ito na ang huling pagkakataon ko para ipakita ko sa iyo kung gaano kita kamahal kaya naman kung maari lang, pagbigyan mo na ako... Liwanag ko.” Bahagya syang namula at napatingin sa ibang dereksyon ng sabihin ko sa kanya ang huling dalawang salita. Siguro ramdam nya ang pagmamahal ko sa kanya sa pagsasabi ko lang sa kanya ng ganoon.

Sumasakit na ang binti ko pero may kalahating kilometro pa akong tatakbuhin. Galing no?? Malayo kasi ang pagitan ng mga field at dahil nga malakas ang nakukuhang pera ni Rikko sa mga nagpipicture sa amin ayun pinabalik kami ng gym. Bwisit. Malapit ng sumuko ang mga binti ko. Nahalata siguro ni Jin kaya naman pinahinto na nya ako at saktong paghinto ko at pagbaba ko sa kanya napaluhod naman ako.

“Oras na para ang totoong prinsepe ang magbuhat sa totoong prinsesa.” Parang makahulugan yung sinabi nya pero pinabayaan ko na lang.

Hindi na ako nagreklamo isa pa sabi nya ayaw nyang itinuturing ko syang babae. Kaya ngayon ako naman ang nakahawak sa batok nya habang buhat nya ako ng bridal style. Muli naroon nanaman ang mga kalokohan ng mga taga reporting club. Ini-brodcast ba naman na mukha kaming bagong kasal sa itsura namin!! Mga halimaw talaga oh!! Syemas!

So, matapos ang walang kwentang takbuhan nagkaroon ng group picture na syang ikinatuwa kong talaga dahil lahat ng mga lalaki ay nakapambabae! Hahahaha.. akala ko pa naman ako lang yung naparusahan. Ibang klase talaga itong si Hiroyuko kapag natamaan ng kaadikan.

Ang Pagiging LalakiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon