APL-25 fvkn perfect

40 2 0
                                    

APL 25-F**k*ng Perfect

“If that’s what you really want.”  Hinikit ko si GHG at umalis na sa lugar na iyon.

Bawat hakbang na pinilit kong gawin naiiwan ang puso ko. Nasasaktan sa lahat ng sinabi nya. Umaasa pa rin na ako ay mamahalin nyang muli kahit ako ay isang babae na nagpapanggap na lalaki.

Bakit ba kasi kailangan ko pang gawin ang lahat ng ito. Agad akong nagpunta sa gym at nakita ko sila na ganoon pa rin ang ginagawa. Nakita ko rin doon si Hiroyuko at nakita din nya ako. Tinaasan nya ako ng kilay.

“Hoy tangkad, bakit kasama mo nanaman yang engleserang yan?!”nakapamewang nyang sabi.

Tumingin ako sa kanan ko. Kasama ko nga pala sya.

“Andito ka pala?” tanong ko sa kanya.

“What?!” sigaw nya na din makapaniwala. “You forgot?” tanong pa nya na tinanguan ko. Nagtawanan naman ang mga naroon lalo na itong si Hiroyuko Cantara.

“Hahahah.. wala ka pa rin talagang pinagbago Lime nakaklimutan mo talga ang mga walang kwentang bagay. Hahahaha...” sabi pa yun ni Rikko na parang iniinis talaga si GHG.

“Hmppff.” Tanging sagot ko.

“Hey, no time for jokes here! His in pain. Master Frost said the meanest words to him.” Pagtatangol sa akin ni GHG. Ayaw na ata nya ng mga paligoy-ligoy pa na mas magulo sa buhok na hindi man lang nagrejoice sa haba ng hair o nagpalmolive para ma-check your hair. Tsk.

Tiningnan lang nila kami at bumalik na sa ginagawa nila.

“Oh, Kieth yung ibang mga gamit sa production naayos na ba?” sabi ni Rikko at lumapit dito.

Yung totoo anong meron?

Nakapamulsa na lang akong umalis doon para walang gulo.

“Wait Lime, why didn’t you tell them?” tanong nya habang hinahabol ako sa paglalakad.

“Alam mo GHG may pagkakataon na hindi na tama na isama mo pa sa gulo ang mga kaibigan mo dahil baka mapahamak pa sila. Uuwi na ako. Huwag mo na akong susundan.” Sabi ko sa kanya at ng nasa labas na ako ng school ay sumakay na ako sa jeep para makapunta sa PNP HQ.

Tulad ng dati, nagpunta muna ako sa Canteen at dahil malapit ng mag-lunch naupo na ako sa pwesto ko.

“Manager Green, bumalik na po kayo!” sigaw noong assitant ko dito.

“hehehe.. oo e, wala namang ginagawa sa school kaya naisip kong tumulong naman dito. Ayos lang ba? Namimiss ko rin kasi yung mga bata e.” Sabi ko sa kanya.

Ang Pagiging LalakiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon