APL 17 – My Song Angel Beats
Green PoV
“Hiroyuko, tingin mo ba ayos lang sa akin ang magiging reaksyon nya kapag sinabi nyang niloko ko lang sya? Tingin mo ba kapag hindi ako natulad sa iyo, magkakaroon ako ng pagkakataong maging masaya kami? Tingin mo Hiroyuko? Ako... Hindi... Kahit kailan, kahit saan mo tignan.... *Sniff* hindi... Hindi mangyayari ang ganoon... si Jin, Bakla sya.. at sa totoo lang... LALAKI ako para sa kanya.”
Marahas kong tinanggal sa pisngi ko ang luhang tumulo. Hindi ko alam kung bakit ko nasabi ang mga iyon. Hindi ko alam kung bakit ko naramdaman ang sakit sa sandaling iyon, ang alam ko lang... hindi ako matatanggap ni Jin bilang babae.
Tama na ang kalokohan, kailang maging trabaho na lang ang lahat ng ito. Pagkatapos ng festival, tatapusin ko na rin ang nararamdaman ko para kay Jin. Tama na ang kalokohan.
“Anong balak mo kung ganoon?” tanong nya sa akin.
“Sasabihin ko sa presedente na ititigil ko na ang pagkukunwari kong mahal ko si Jin. Ang alam naman kasi talaga ng presedente ay mahal ko si Jin pero dahil sa mahal ko nga talaga sya, titigilan ko na iyon dahil masasaktan ko lang sya. Papasayahin ko na lang sya sa festival bago ko baguhin ang sarili ko. Sana maunawaan mo Hiroyuko.”
“Kung ganoon, gusto kong makatulong kahit papa-ano. Anong gusto mong gawin ko?” tumingin ako sa kanya at mukhang totoo sya sa pagtulong nya sa akin ngayon.
“Sana ma-aayos mo ang lugar na ito para sa dinner date na gagawin ko bilang isang lalaki. Sana pang prinsepe at prinsesa ang gawin mong theme. Isa pa, idamay mo na rin sa pagtulong ang apat na team pero hindi dapat malaman ni Jin.” Sabi ko pa sa kanya.
“Sige, titingnan ko ang makakaya ko.” Sabi lang nya. Natapos ang usapan namin sa ganoon at umuwi na kami. Bukas, may magaganap na kakaiba.
------
“Huy ano to?” narining ko ang bulung-bulungan sa loob n gym. Tanging mga basketball player lang ang pwedeng pumasok ngayong araw na ito.
“Oo nga, kelan pa tayo nagkaroon nga ganyan?” tanong pa noong isa. Noong mabilang kong kinse na sila kasama si Jin, nagsalita na ako.
“Yan ang magiging itsura nyo sa festival. Ang gagawin ng basketball team ay isang mascarade ball. Lahat ay welcome. Syempre sila naka cowboy costume tayo nakapang reyna. At dahil sa ganoong pangyayari ang mga papasok dito ay magugulat dahil aakalain nilang normal na sayawan at kainan lang ito. All you can eat tayo kaya malaki ang entrance. Hindi lang yun may mga prices pa tayong ibibigay sa kanila kapag sumapit ang alas-tres ng hapon.” Paliwanag ko sa kanila.
“Bakit hanggang 3 lang?” tanong noong isa sa kanila.
BINABASA MO ANG
Ang Pagiging Lalaki
Teen FictionSi Lime Green Forrest. Sa kabila ng kanyang berdeng pangalan ay ang pagiging maginoo nya sa isang lalaki na noong umpisa ay misyon lang para sa kanya at hindi tunay na iniibig. Pero dahil sa pagiging "LIWANAG" ng lalaking iyon na nagngangalang Jin F...