APL- 3

210 7 0
                                    

APL 3

Tinagalan ko talagang maligo para namang maialis ko ang isip ko sa lalakin yun. Bakit ba kasi ako nagkakaganito. Nagkakroon ako ng reaksyon sa kanya kahit na alam kong bakla sya. Pwede ba yun?

Naman oh!

Magpapatingin ako sa doktor sa oras na mabigyan na ako ng pera ng mga nagpasabak sa akin sa ganitong misyon. “Mga lukarit na yun ganito pa ang pinagawa nila sa akin. Binola pa ako e ang gusto ko lang naman talga ay yung privilage ko na magkaroon ng free time for anime! Napakachildish ko siguro para sa kanila. Tsss..” naisip ko habang patuloy ako sa pagi-scrub ng ang aking butihing body kasama ng negative A cup kong dibdib.

“Sabi nila lalaki daw ang dibdib kapag may asawa na because of thier love making. E pwede ko rin naman sigurong gawin yun para lumaki yung dibdib ko except the love making thing. Ngek iniisip ko pa lang nasusuka na ako e. Babae ba talga ako?” Ginulo nanaman ako ng utak ko kaya naman bago pa kung saan mapunta ang utak ko binilisan ko ng maligo.

 Patuloy lang akong nagbuhos hanggang sa may marinig akong kalabog sa labas.

“Naku baka si Jin lang yun.” Naisip ko ulit. “WHHAAA SI JIN!! Baka kung napano na sya!!” agad akong nagtuwalya sa buong katawan ko. Yup may bath robe ako marami nito sa Metro Gaisano huwag na kayong magtaka.

Agad akong sumugod sa pinto ng banyo at hinanap si Ji sa madilim kong kwarto. Nasira nanaman yata yung bumbilya. Makabili na nga bago. Kainis naman oh.

“JIN? Ayos ka lang ba? Asan ka?!” sigaw ko pero hindi talaga sya makita ng mga mata ko. “Sh!t!!” napamura ako at agad na tumakbo sa binta.

Dito kaya nagpunta yung magnanakaw? Paano na lang kug napag-interesan nya si JIN?

“Walang hiyang magnanakaw yan. Ang dami kong nakakalat na Wallet bakit si Jin pa ang kinuha e hindi naman pera yun. PUTEK!!” Napasuntok ako sa kalapit na pader at narinig kong may kumaluskos sa ilalim ng kama.

Kinuha ko ang Sword ko noong nasa CAT pa ako at tinanggal iyon sa kaluban. “Hoy kung sino ka mang hinayupak ka lumabas ka dyan at ilabas mo si JIN!!” Naiinis na talga ako kung maliwanag ngayon isnag namumulang mukha at nakakunot na nuo ang makikita nyo sa akin sa sobrang galit.

“L-Lime?” para naman akong nabuhusan ng malamig na tubig tapos nabunutan ng tinik sa dibdib ng marinig ko ang boses niya. Naibaba ko na ang aking sandata at nagmadali akong pumunta sa ilalim ng kama. “A-Ano kasi, natakot ako kasi madilim tapos.. hindi ko alam kung nasaan ako *sniff* Tapos may narinig akong tubig sa banyo kaya naman na-natakot ako. Huhuhu.” Nanlaki ang mata ko at lalong nainis sa nangyayari.

Para akong tanga na iniwan syang mag-isa sa madilim na lugar na ito kaya naman niyakap ko sya kahit na nasa ilalim kami ng kama.

“SHHSS... Tahan na. Nandito ako. Hindi kita iiwan.” Bigla ko na lang nasabi.

Ang Pagiging LalakiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon