APL-31 Toxic

41 3 0
                                    

Warning: Ang kabanatang ito ay may dalawang PoV. Wag po sana kayong malito.

 

 

 

APL 31 Toxic

-Kapa, bonet, sunglasses

-Cowboy Maze of Love

-Sya si Ceil

-Thursday

“Green! Ka-tagal mo naman dyan? Balak mo bang mag-cosplay sa mismong cowboy festival ninyo ha?!” sigaw ni mama mula sa baba.

“Opo! Ay Mali pala po! Pababa na po ako. Sina Rhea po ba nandyan na?” sabi ko at inaayos ko yung uniporme ko. Mwahahaha.. sana mainlove sa akin lalo si Jin. Mehehehe..

“Si Lia narito na.” Sigaw ni mama. Kaya naman bumaba na ako.

“Ano itsura ko?” agad kong tanong kay Lia.

“Whhhaaa.. Ang gwapo mo Green!! Sigurado ka bang nananatili ka pa ring alam mo na, kapag nakasuot ka ng ganyan?” tanong nya sa akin. Natawa ako kasi si Lia ang pinaka mababa sa amin, pinakamakulit at pinakamabilis sa pag-aasembol ng baril kaya naman saludo dyan si Cloe.

“Hahaha.. inlove nga ako sa bakla e. Tingin mo babae pa rin ako?” Hindi na nya sinagot ang biro ko at iniabot na nya sa akin ang isang kapa na kulay blue katulad ng sa kanya.

“La la la.. lala. Lala.” Kinanta nya yung pamilyar na kantang yun.

“Yan ba yun Lia?” tanong ko na agad nyang inanguan. “Nice sana iba ang maisip nya dito. Mehehe..” Ayun kinilig ang gaga.

“Bakit parang kinakarir mo na ang mga pagsasakripisyo mong ito Green? Paano kung iwan ka nya sa huli?” nabigla ako sa sinabi nya pero sumakay na ako sa unahan ng truck at sya naman sa likod. Nasa army truck kami kasama ng buong troop.

“May gumugulo sa’yo Forrest?” tanong ni Rhea sa akin. Sya driver e.

“Yung sinabi lang ni Lia. Paano daw kung iwan ako ni Jin kapag nalaman nya ang totoo at bakit parang kinarir ko na talaga ang pagiging lalaki at pagsasakripisyo ng malaki para sa kanya.” Napailing na lang si Rhea sa sinabi ko.

“Pabayaan mo na muna. Huwag mo ng kaisipin ang sinabi ni Lia. Alam mo naman yun madalas may sinsabi wala namang tukoy.” Sabi nya at nagmaneho na.

“Pero alam naman na natin na kapag seryoso sya may napatutunguhan ang sinasabi nya.” Sabi ko kay Rhea pero hindi na sya sumagot. Nanatili na lang kaming tahimik hanggang sa makarating kami sa school.

Rikko’s PoV

Ang Pagiging LalakiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon