APL-26 Lakas Tama

58 2 0
                                    

APL 26- Lakas Tama

-Rain Master

-Author of Gagsti

Umaga nanaman at ito na ang oras ng final rehersal namin. Narinig ko pa ang pinapatugtug ni Mike sa tapat ng bahay namin. Lakas Tama ang pamagat noon at parang nang-iinis yung dalawa ni ML dahil nagsayaw pa sila sa harapan ko ng lumabas ako ng bahay.

“Whooo... Sya’y magandang babae na lalaki pumorma!” sabay nilang kinanta yan tapos napatigil ng makita ang suot kong damit.

“Dre, nalasing ka ba? Bakit ka nakaganyan?” tanong ni ML sa akin.

“GAGSTI Tol! Nahangal ka ba o nakagat ng aso? Kahit kasi saang parte di ko makita yung green namin e!” sigaw pa ni Mike na parang nagdadasal na mga puon dahil sa suot ko.

(W/R: Credits to the author of Gagsti! Peram po ng expression hehehe..)

“Tumigil nga kayo. Para namang ngayon nyo lang ako nakitang magsuot ng pambabae.” Sabi ko sa kanila.

“Dre, Lakas Tama. Isang maong blaser na ang pangilalim ay black sando na hapit sa katawan tapos naisipan mo pa talagang magsuot ng slacks na pambabae at hapit sa bandang pwetan mo? Anong trip mo GI: Joe? E daig mo pa si Lara croft sa suot mo e. Wala ka nga boobs pero ang hot mo sa suot mo. Kahit na naka sneakers ka lang.” Sabi ni ML na hindi makapaniwala.

“Tol, ang pangit pramis. Palitan mo na lang mg leather jacket yung maong blazer pramis!” taas kamay pa nyang sabi sabay abot noong jacket nya.

Isinoot ko na lang kasi mukhang tama naman sya.

“Ginawa nyo nanaman akong lalaki e.” Sabi ko.

“Bakit dre tingin mo sa suot mo kanina mukha kang babae?” tanong ni ML.

Nainis ako kaya pumasok ulit ako sa loob at isinuot ko ang isang simpleng t-shirt na may nakalagay na S parang kay super man pero kay super girl talaga ito. Isinuot ko rin ang isang maong pants at tiningnan ko ang sarili ko sa salamin.

Inayos ko ang buhok ko at nilagyan ko ng ilang clip na star. Yung malaki yung sa babae ng gundam Seed. Kasama syempre ang mahabang pink na buhok kaya mas nagmukhang sa cosplay ako pupunta at hindi sa school. Inalis ko ang pink na buhok at ipinalit ko ang mahabang brown na buhok. At doon inilagay yung clip at ng isinoot ko, naisipan kong itali iyon ng pony tail. Noong nakataas na ito ay hanggang lampas ng bra ko ang haba nito. And no. Wala akong suot na bra. Kaya naman naisipan kong humiram kay ML. Yung may Foam. Sakto namang may regalo sa kanya na ganoon at hindi naman nya ginagamit kaya ibinigay nya na sa akin.

Matapos kong mag-ayos tiningnan ko ulit ang sarili ko sa salamin. Nagsuot ako ng salamin na walang grado yung kapareho ng kay Mirai ng Kyokai no Kanata. Tapos naisipan kong sakyan ang motor ko papuntang school.

Marunong na ako. Tinuruan ako ni Mike. Nagpapilit pa ang mokong pero di na sya naka-angal ng sinabi ko na ang pangalan ni Rikko hahaha....

Ang Pagiging LalakiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon