APL-13

86 3 0
                                    

APL 13

“Sige, payag na ako sa sinabi mong inosente ka nga at hindi mo nga mahal ang babaeng yun pero ginawa mo pa rin Seigh! At ang mas nakakatakot pa sa lahat ng sinabi mo ngayon, sa akin mo pa dapat gagawin iyon at hindi sa babaeng yun Kung sino man sya!” umiiyak pa rin ako pero this moment nagawa ko syang titigan sa mata at sabihin ang mga salitang iyon. May takot akong naramdaman habang sinasabi ko ang mga ganoong bagay dahil dapat ako ang nasa kalagayan ng babaeng iyon at ayaw ko namang ibigay sa kung sinu-sino lang sarili ko!

Parang nabigla sya sa sinabi ko. Susubukan pa nyang magpaliwanag pero pinalayas na sya ni Jin. Nagpapasalamat talaga ako dumating kaagad sya. At mukhang nagmadali syang kumain dahil may mantsa ang damit nya pati na rin ang gilid ng labi nya may spaghette sauce pa.

Ang gaan-gaan ng pakiramdam ko ng makita kong pumasok si Jin sa kanya lang talaga ako nakatingin habang dinadala ng mga sundalo si Seigh. Yung tipong, alam mong sobrang dilim na ng paligid mo pero may liwanag ka pa ring nakikita at unti-unti itong nagliliwanag. Kakaiba talga ang tama ko kay Jin.

“Ayos ka lang ba Lime?” tanong nya sa akin na agad ko namang tinanguan.

“Salamat at dumating ka liwanag ko.” Hinawakan ko ang pisngi nya na syang nagpapikit sa kanya.

Ninamnam namin ang sandaling iyon. At hindi naming pinaghiwalay ang mga kamay namin. Ang kamay ko na nasa pisngi nya at ang kamay nyang nasa kamay ko. Tinititigan ko sya habang para syang naiilawan buhat sa itaas at nagliliwanag ang mga ngiti nya.

“Masaya akong makakasama na ulit kita Lime.” Sabi nya sa akin habang nakapikit pa rin pero kumunot ang noo nya at ilang sandali pa ay tumulo na ang luha nya. “Ak-Akala ko. Akala ko *Sniff* Mawawala ka na sa akin Lime. *hik* *sniff*” Napakunot ang noo ko sa nakikita ko ngayon.

Masakit pa ang mga mata ko dahil sa pag-iyak ko sa harap ni Seigheart pero muling tumulo ang luha ko ng makita ko sayng umiiyak.

“Jin, alam mo bang masakit ang mga mata ko kasi kaiiyak ko lang. Pero nagawa ko pa ring umiyak ngayon dahil nararamdaman kong nasasaktan ka. Sinabi ko na naman sa’yo noon na ayaw kong masaktan ka kaya hindi na sana ako magpapakita pa sa’yo pero ngayon, tingnan mo umiyak ka nanaman dahil sa akin.” Pinilit kong patahanin sya maging ang sarili ko para makapag-usap kami ng maayos.

“Pasensya na Lime. Sige na magpahinga ka na. Pipilitin ko munang hindi ka mahalin para hindi na rin kita masaktan.” Hindi ko nagawang magsalita dahil sa sinabi nya.

Nakangiti sya at unti-unti nyang tinanggal ang mga kamay ko sa pisngi nya. Patuloy syang umiiyak at alam kong mali talaga ito. Mali ang pagmamahal ko sa kanya mali ang pangyayari sa pagitan namin. Sa totoo lang gusto ko ng umamin at ng matapos na lang ang lahat ng ito para naman maging maayos na hindi ba? Ganoon dapat yun. Para maging tahimik na kami at hindi na kami magkita. Pero kapag nangyari na ang ganoon, kakayanin ko pa ba?

E mahal na mahal ko na sya!

Ang Pagiging LalakiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon