APL 37 Ang Sarap mong magmahal (Animorphs Revolution Last Fight song)
-Buhay sa Japan
-Si Jack
-Si Jin pa rin
Lime’s PoV
Walang ibang nangyari sa Japan kundi ang pagkain, pagtulog, pagpe-facebook ng iba ang account na gamit ko at ang paglabas ng bahay para bumili ng pagkain mula sa tinutuluyan kong boarding house. Ang boarding house na tinutuluyan ko ay katulad ng mga normal na bahay sa Japan kung saan bunggalo lang pero malawak at at may hallway kung saan nililinis namin tuwing umaga o kung hindi kami busy. May harapan din ito na medyo malawak at nagsisilbing sampayan ng mga papatuying damit o minsan ay nagiging palaruan namin ito.
Ang mga kasama ko dito ay dalawang lalaki, tatlong babae at isang lola na katiwala. Ang dalawang lalaki ay may pagkapervert at Masokista. Yung pervert ay lahat ng pwedeng pagpantasyahan doon sa apo ng may ari na maikli ang buhok at palagi nyang tinatawag na senpai. Pareho daw silang sa iisang school nagaaral. Mabait naman sila sa lahat at hindi ako na-OP kahit isang beses sa kanila. Hindi sila sanay mag mag-english kaya ako na lang minsan ang nagja-japanese.
Yung Masokista naman ay may kahabaan ang buhok. Kulay gold yun at parang hindi sya mahilig mag-ahit ng balbas dahil may natitira din. Sa haba din ng buhok nya natatakpan na ang mga mata nya. Nakapanlalaking kimono sya palagi at natutuwa sya kapag nabubugbug sya. Sabi nya, Living pleasure by pain. At ganoon na ngang tao yung isa pang lalaking kasama namin.
Ang tatlong babae naman ay isang employee, isang collage student na happy go lucky at yun na ngang highschool student na apo ng may ari nitong boarding house. Yung babaeng employee ang magandang babae, mahaba ang buhok, nakasalamin at may malaking hinaharap. Minsan nga naasar na ako at sa aming lahat ako lang ang wala talaga. Itong babaeng ito hirap magkaroon ng boyfriend mapili kasi at ang pinipili nya at minamahal nya ay yung two timer. At madalas syang iniiwan.
Ang sumunod naman ay yung collage student na happy go lucky. Maganda sya at chesnut brown na curly ang buhok. Cute sya dahil halos naka cat smile sya. Ewan kung paano nya na-attain ang ganoong lips. Palagi syang may boyfriend at ang mga boyfriend nya ay kasing kapal ng make-up nya araw-araw. Di rin sya lumalabas ng kwarto kapag walang make-up.
At ang huli ang apo ng Kawaii boarding house, tahimik sya at napaka cute din. Yung tipong hindi mo iisiping pwede syang kulitin dahil seryoso sya sa pagbabasa ng mga libro nya. At ang Kohai(lower year) nya ang palaging gumagambala sa pagbabasa nya dahil halata namang may crush sya dito.
Ang huli ay ang lola at ang taga-luto ng hapunan namin palagi at ang nagsisilbi naming magulang dito. Maputi na ang buhok nya na naka-bun ng tatlo sa likod. Nakapambabaeng kimono naman sya araw-araw. Tinutulungan ko syang magluto minsan at natutu din akong gumawa ng Pudding dahil sa kanya.
Ang sarap ng luto namin. Hindi matatawaran ang sarap ng recipe nito. Oh well, ito lang naman ang natikman kong pudding e. Hehe..
“Green-chan, You have a visitor!” narinig kong tawag ni lola sa akin. Agad akong lumabas ng silid ko na pinakamalapit sa hatian ng normal hall sa girls section.
“Hai!(yes) I’ll be there!” sigaw ko rin at agad na akong nagsuot ng tsinelas. Ako lang ang nakatsinelas dito sa loob. Sila kasi nakamedyas. Nung una nagalit silang lahat sakin dahil dito pero nasanay na rin sila dahil ako naman palagi ang naglilinis ng hallway. Isa pa, hindi kaya ng paa ko ang may medyas bumabaho e. Alam nyo naman, nagtraining ako sa PNP diba?
BINABASA MO ANG
Ang Pagiging Lalaki
Teen FictionSi Lime Green Forrest. Sa kabila ng kanyang berdeng pangalan ay ang pagiging maginoo nya sa isang lalaki na noong umpisa ay misyon lang para sa kanya at hindi tunay na iniibig. Pero dahil sa pagiging "LIWANAG" ng lalaking iyon na nagngangalang Jin F...