APL-39

54 2 0
                                        

Sa mga bumabasa po nito, kung makikita nyo po yung pangalan ng tatay ni Lime ay pakisabi po sa akin. Please lang po. Hindi ko na po kasi matandaan. Sorry. Kaya heto muna ang pangalan nya pansamantala.

And Tungkol po kay Admeral Conrad Suarez, sya po ay Director General na ng PNP salamat po sa pag-intindi at humihingi po ako ng kapatawaran sa kamalian ko. >,<

APL 39 Ang pagmamahal ng Ama.

-Tommorrow never Dies

C/Supt. Edward Hymn M. Forrest

Ako si Edward Hymn Magallianes Forrest. Isa akong Chief Superintendent ng PNP. Pero ang rangong ito ay hindi ko ipinagmamayabang. Halos wala akong paki-alam sa katayuan ko sa pulisya. Ang nais ko lang ay mabigyan ng magandang buhay ang kaisa-isahan kong anak na si Lime Green.

Sya ang kayamanan ko pero hindi nya pala ginagastos ang lahat ng inilalagay ko sa bank account nya. Nakakalungkot na sa tuwing mapupunta sya sa kalagayan nya ngayon, kung kani-kanino pumunta at humihingi ng tulong ang dati kong asawa. Hindi ko naman sya masisisi dahil ako ang nangaliwa. Ako ang sumira sa pangako namin sa Dyos noon. Pero naiintindihan nya kung bakit ako umalis.

Alam nyang kung nagpatuloy pa ako sa pagsama sa kanila, maaalala ni Lime Green ang pagkamatay ng kanyang kuya at hindi nya maapatawad ang sarili nya. Dahil sa kanya ay namatay ang panganay ko at kung mananatili pa ako'y baka pati sya ay mawala kaya labis ang pagdurusa ko ngayon habang tinitingnan ko ang aking anak na nakahiga nanaman sa kama. Walang malay.

"Anong gagawin ko? Anak, pakiusap maging maayos ka lang." Kita ko ang pag-aalala ng dati kong asawa sa anak namin. Nasa loob ng isang silid ni Lime may kung anu-anong aparato ang nakakonekta sa kanya at halos hindi na namin makita ang mukha nya.

"Kumalma ka lang." Pagpapakalma ng bago kong asawa sa dati kong asawa.

Nakakapagbiro pa ang tadhana sa nangyayari ngayon dahil dito. Ang dati at ang bago kong mahal ay parehong nag-aalala sa isang batang minahal nila ng husto. Ang batang nagmula sa akin. Ang kayamanan ko.

Anak, Lime. Pakiusap gumising ka na. 

Lumapit ako sa glass na bintana at hinawakan ito. Kita ko mula dito ang pagtunog ng aparatus tanda ng buhay pa ang anak ko. Gayon pa man, nasasaktan ako nalulungkot ako.

"Tito! Anong nangyari?" Agad syang tumakbo sa lugar ko at tiningnan ang tao sa loob ng glass wall. "L-Lime?" takang tanong nya at doon sya umiyak.

Agad naman syang pinakalma ng kakambal nya. Ilang segundo pa'y nakita ko ang galit sa mata nya.

"Ano na namang ginawa mo Jack!! Anong ginawa mo para magshutdown ang taong mahal ko!" sigaw nya sa kakambal nya.

Alam ko ang tungkol sa pustahan. Pustahan ni Jin sa sarili nyang tiyo na si Walter, ang pustahan ng anak ko sa kaibigan kong presedente na si Walter Atentar Frost ang pustahan ng magkapatid na Jin at Jack Frost.

Ang Pagiging LalakiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon