APL 41- A song for you by Yuya Matsushita

72 1 0
                                    

APL 40- A song for you from Yuya

-Pagdalaw ni Jin

-Traing with Babaeng LIME

-Concert ni Yuya sa Beach

Lime Green Forrest

Hindi ako makapaniwala. Paano nya nalamang narito ako? Paanong hindi sya naniwala sa hologram na nasa ospital sa Japan?

"Lime." Agad nya akong niyakap ng mahigipit. Kinakabahan ako. Paano ako makakapaghiganti kung ganito.

Kung niloloko pa rin nila ako at natatalo na ako ng pag-ibig na nararamdaman ko para kay Jin. Mahal ko si Jin at walang nagbago kahit hindi sya ang lalaki sa nakaraan ko. Mahal ko si Jin pero pinaglaruan nila ako at pinaikot. Hindi masarap ang ganoong pakiramdam at hindi ko deserve ang mapaglaruan ng ganoon.

"Sino ka?" tanong ko na parang may amnisia.

"Lime hindi mo akong pwedeng lokohin. Hologram lang ang nakita ko sa loob ng silid kaya please Lime hayaan mo akong magpaliwanag sa'yo. Ang totoo'y ako ang lalaking yun. Ako ang mayari ng kwintas at sinabi ko lang na hindi ko nakita ang kwintas dahil natakot akong matalo sa pustahan namin ni tito at tuluyan kang mawala sa akin pero mahal kita Lime. Mahal na mahal kita kaya sana patawarin mo ako. Totoong naging gay ako pero ng muli kitang makita naisip kong ikaw nga ang totoong nilalaman ng puso ko kaya Lime, please let me be your lover." Kunot noo nyang sinabi pero nakayap pa sa likod ko ang mga braso nya kahit na kaunti lang ang taas nya sa akin.

Teka, tumaas sya? Mas tumaas na sya sa akin? Pero isang taon pa lang ang nakakaraan mula noon at ngayon ay matangkad na sya sa akin? Imposible.

"Hi-Hindi kita kilala. Please bitawan mo ako." Ibinaling ko ang tingin ko sa ibang dereksyon at ilang sandali pa ay umaangil na ang mga kaibigan kong wolf.

"Lime please huwag mo namang pilitingkalimutan ko. Kilala kita. Ang bawat kilos mo, ang mga asong ito kaya please Lime huwag mo naman akong saktan ng ganito." Nakita kong tumulo ang luha nya pero hindi ko na iyon pinansin at humingi ng tulong kay Riko.

"Miss Cantara help. Konteras elyverus sumvalteru. Ulmeris nanrekotolv." Napapikit ako sa mga sinabi kong kalokohan lang at wala naman yata talagang salitang ganyan pero sinabi ko pa rin para lang mapaisip si Jin at sana makuha ni Riko ang gusto kong ipahiwatig.

"Tama na yan Jin. Si Evelythia Valkrye Evenrose yan. Kamukha lang ni Lime. Tingnan mo, mas maliit ang panga nya kay Lime tapos... HOOYYY!!!" napasigaw si Riko dahil bigla na lang akong hinalikan ni Jin sa labi.

Napapikit ako. Promotesta pero nagugustuhan ko ang halik nyang iyon. Ang halik na mahigit isang taon ko ng nais malasap muli. Ang halik ni Jin. Ang mga yakap nya ang buong sya. Ang mahal kong si Jin.

"No! Please s-stop." Sabi ko pa at napaiyak na ako.

Umiyak ako dahil gusto kong sabihin sa kanyang mahal na mahal ko sya kahit na gusto kong tapusin na ang namamagitan sa amin.

Ang Pagiging LalakiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon