APL-27 Only Love

42 3 0
                                    

APL 27 Only Love

-Bato Bato Pik

_Lunes

Class Booth na at ang naisipan ng klase namin ay ang muffin booth. Sa dami ng mga nagtitinda sa labas halos walang lumatapit sa booth namin at dahil nga depress ako dahil hindi ako pinapansin ni Jin. Kinuha ko ang camera ko at pinikturan ko sila pati sya kahit na patago lamang.

“Press. May naisip ako.” Sabi ko sa presedent namin na nagte-tetris.

“Sige gawin mo na lang.” Sabi nya na ayaw magpa-abala.

“Kuya carl, pagawa naman ng sign na ito oh.” Sabi ko kay Kuya Carl. Sya ang pinaka kuya ng klase namin. Kahit si Jin iginagalang sya e.

“Sigurado ka dito baby LG?” yan. Lahat ng classmate namin may babay kapag tinatawag nya. Ako nga lang ang nagmumukhang aplayances kapag tinatawag nya.

“Opo kua. Bilis na.” Sabi ko at ginawa naman sila agad iyon.

Nilagyan nila ng table yung kaliwang bahagi ng booth namin. Medyo malawak kasi ang mga pagitan ng mga booth kaya may ganito. Nagpatugtug na sila ng malakas kaya naman nagsimulang maglapitan ang mga tao.

“Totoo yan dre?” tanong nung isang lalaki kay Kuya Carl.

“Oo pre. 130 pesos ang isang box ng cupcake namin. Kapag nagbigay ka ng 150 at natalo mo sa batobatopik yung babaeng yun. Yung may hawak na kamera, sayo na yang cupcake at 100 na lang babayaran mo. Mabablik sayo ang 50 pesoso mo at may cupcake ka na. At syempre may libreng kiss mula sa kanya.” Paliwanag ni kuya carl.

Nanginang naman yung mata noong lalaki at lumapit sa akin. Ibinaba ko ang camera ko sa table at inilapag nya ang dalawang daang piso sa harap ko.

“Ready your lips baby. And keep the change.” Glante ah. Binasa pa ng laway nya yung mga labi nya.

“Bring it on babe.” Sabi ko in bitchy like.

“Ready? Getset..” si Kuya yan.

“BATO BATO PIK!” sabay naming sigaw.

“PI!! Paano nangyari yun?” inis na sabi nya.

“’cause I’m Lucky~” pakanta kong sinabi yung Happy na madalas ipatugtug sa show time kasabay ng sigaw na, “NEXT!”

Madaming lalaki na pumila sa booth namin at may mga babae din. At dahil kakawawa naman yung mga classmate ko at walang ginagawa pinababayaan ko ng manalo yung mga babaeng pumipila. Syempre may kiss sila sa akin sa lips pa nga e. Yung mga babae kasing pumipila kadalasan ay taga school din namin kaya naman tuwang-tuwa sila sa lips ko.

“Teka, bakit noong mga babae ang kalaban natatalo ka?” sabi noon sumunod sa linya.

Ang Pagiging LalakiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon