APL-35 Never Knew I needed

53 2 0
                                    

APL 35 Never knew I needed

- My simply girlfriend

Nasa gym na kami at dahil nga nagpabilisan kami at natalo ang presedente, sya ang manlilibre hahaha.. Okay lang yan mayaman naman sya e. Hahaha..

Noong pumasok na kami narinig namin ang hiyawan at palakpakan. Hindi naman kami yung hinihiyawan dahil naroon sila nakatingin sa isang malaking puting tela sa unahan.

“Araw-araw,” narining naming lahat ang boses ni Kieth. Grabe sya pala ang narator dito. “Napapanuod po natin ang mga pangyayari sa kanilang buhay. May mga eksenang talagang tinanggal namin at ilang mga audio na tinangal namin dahil sa kapalpakan ng aming mga camera men. Subalit naidaos po naman namin ang aming five day play sa inyo mga magigiting na hurados at manunuod para sa aming minamahal na play.” Nagpalakpakan ang mga tao. Lumabas sa stage si Kieth at may hawak syang remote. “Noong unang araw nasaksihan natin kung paano nasaktan si Suzaku sa mga sinabi ni Jack dahil inakala nyang si Lelouch si Jack dahil magkamukha naman talaga sila. Play movie.” Matapos nyang sabihin yung play ay namatay yung ilaw at may nagpalabas sa puting tela.

“About our status, wala namang kwenta ang lahat ng ito. I never love you Understand!” sigaw ni Jack sa nakatalikot na si Lime. “And oh, do not see me again.”

 

“Y-Yes Lelouch.” Woah! Boses ko nga yan mga hinayupak na iyon kaya naman pala pinagrecord nila ako sa bahay nung dalawang timang na sina Mike at ML. Dito pala yun!

 

“And about that. I just use you. I never love you. Gusto ko sanang maka-score sa iyo e, kaya lang hindi ko naman akalaing ganoon pala ang mga bad sides mo and kahit na anong gawin ko, tumabi man ako sa iyo, hindi mo man lang ako magawang hawakan o halikan.” Hindi na talaga nila binago itong mga ganitong eksena.

“Hey! That’s insane! The only one who said those indarment for you is your subordinate not Suzaku! Minahal ka nya ng todo!” sigaw ni GHG pero buhok lang nya ang kita sa camera.

Hinawakan ko ang braso nya ng susugudin nya ang inaakala ko noong si Jin na si Jack naman pala talaga.

“Hindi ko hahayaang saktan mo sya. Mahal ko pa rin ang taong sasaktan mo C.C. Kaya kung pwede lang. Back off.” Napaatras ng kaunti si GHG doon at tulad ng dati yung buhok lang nya ang kita. Grabe din itong mga ito, akalain nyo ba namang ilang beses nilang pinaulit sa akin yang linyang yan na may CC. Akala ko nga trip lang ng mga loko naka-record pala.

 Tsk. Ang camera siguro nandoon sa mga bushes malapit sa building tapos may isa taas focusing on the face of Jack at isa sa likod para makita ang mga kilos ko sa back view.

“You know piece of s**t you don’t need to do that. Huwag mo na akong mahalin dahil pinaglaruan lang naman kita. I have needs you know. So, you can leave. Me. Alone!” muling nasaktan ang puso ko sa parteng yan para akong kinakabog ng sakit kahit na nakatayo lang ako dito sa hulihan.

“If that’s what you really want.”  Punong-puno ng sakit ang pagkakasabi ko noon. Hindi ko akalaing pati dito sa kinakatayuan ko ay maiiyak na dahil sa ganyang kaganapan sa palabas na ito.

Ang Pagiging LalakiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon