APL-8

92 5 0
                                    

APL 8

Naglalakad na kami ni Jin papunta sa silid nya ng may naalala ako.

“Jin, Diba sabado bukas? E, bakit may pasok ka?” tanong ko na para namang nag-isip sya. Napahinto kasi kami sa gitna ng hagdan.

“Ah, oo. Sabado nga bukas. PE namin. Makikita mo ang galing ko kaya gusto kong sumama ka. Ie-enrol na din kita. Sabi ni tito dun ka rin daw mag-aaral kaya naman sasamahan na rin kita pagkatapos ng practice sa PE bukas. Teka, ano nga palang kukunin mong course?” nabigla ba kayo?

Hindi?

Ako kasi OO!!

Aba, minsan lang yan maglitanya tapos tungkol pa sa akin hindi ba?!!

“Woah! San mo itinago yung mahiyain pero seductive na Jin? Umamin ka!!” Biro ko lang yun sa kanya at natawa naman sya. Kaya nagtawanan na lang kami papasok ng kwarto nya.

Parang hindi nangyari yung kanina sa mga ganitong paguusap namin e.

“Loko. Tabi tayong matulog ha.” Sabi nya sa akin na nagpatigil sa pagpasok ko sa kwarto. Nahalata naman nya na huminto ako kaya naman lumingon sya sa akin. “O, napako ka dyan? You sleep with me na naman diba?” Pfftt.. ang conyo!

“hahaha.. ang conyo Jin! Hahaha... pero tama ka. Kaya tara na!” sabi ko at hinapit sya sa baywang. Hehehe.. Patay na baka maging T-boom na ako kasi ang cute nya talaga. Hehehe..

“Goodnight Lime.” Nakangiting sabi nya ng mahiga na kami.

“Oyasumi. Amai Yume, Jin.” Sabi ko sa kanya at hinalikan sya sa noo.

Muli syang namula at pumikit naman ako at hinayaang antukin sa bisig ng bawat isa.

------------------

“WHHHHAAAAAAA!!!” sigaw ni Mama na syang naging alarm clock namin!

Agad akong tumayo para makita si Mama pero wala na sya at naiwang nakabukas lang ang pintuan.

“mama mo ba yun?” tanong ni Jin sa akin habang kinukusot ang mga mata nya. Gulong-gulo ito at sa pagkakataong ito nakita kong gwapo sya at isang lalaki hindi isang magandang bading.

“Oo, Magbihis ka na. Baka mahuli pa tayo sa school mo.” Sabi ko sa kanya at nagsumula ng maglakad.

“Ah, Lime, hindi ka ba muna magba-boxer?” tanong nya sa akin at napatingin ako sa pambaba ko.

Ang Pagiging LalakiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon