APL-14

76 3 0
                                    

APL 14 –Kismet

“Kayo kasi e.” Sinuntok noong isang mid filder namin yungisa nyang kasamahan umapila naman ito kaya nagkaroon pa ng away.

Naiinis na ako kasi hindi ako makapagsimula dahil sa kanila kaya naman tinakot ko na ang mga mokong.

“Hello, Yes Admeral it’s me Forrest.” Ini-loud speaker ko para marining nila.

“Ano yung Forrest? May problema ba kay Mr. Frost?” Kita kong napalunok sila dahil sa nakakatakot at striktong boses ni Admeral.

“Wala naman po Admiral, gusto ko lang pong itanong kung ano ng lagay noon mga sundalo na nakalaban ko isang bwan na ang nakakaraan?” Hehehe hindi sa concern ako sa mga supirior kong yun kundi dahil gusto kong takutin ang mga hinayupak na ito sa pagsusuntukan nila na naging dahilan ng pagkadamay ni Jin sa kanila.

“Ah yung trenta(30) bang nakalaban mo? Maayos naman sila mga normal naman pero kapag actual na na training para silang na trauma sa ginawa mo. Ganoon din yung nangyari sa birthday mo na muntik ng ikamatay ng dalawampung tauhan ko.” Pahayag nya at mukhang marami syang ginagawa at naaabala ko na sya kaya naman tinapos ko na ang usapan namin.

“Ganoon po ba? Sana po gumaling na sila. Salamat po sa pagsagot ng tawag ko.” Sabi ko na lang at nakita kong natahimik na sila ng tuluyan.

“Tingin ko matatagalan ang paggaling nila. Masama ka talagang magalit Forrest. Kung sino man ang mga makakaharap mo madasal na sila dahil baka sa sementeryo na ang tuloy nila. Sige na at marami pa akong ginagawa. Bye.” Sabi nya sa akin/ sa amin.

“Salamat po ulit sir.” Tapos binaba na nya yung tawag.

Nakatingin lang ako sa cellphone ko at ramdam ko ang tingin nila sa akin.

“Pasensya na kayo, napindot ko yung loud speaker ang ingay nyo kasi e. Hehehe..” tss.. mga adik.. kala mo kung sinong malakas e mahina din naman.

“Navy ka?” tanong ng isa sa kanila. DI ko alam kung sinong nagsabi noon.

“Hindi. Nagtrainng lang ako sa PNP pero hindi ako pumasa kaya nandito ako. Masyado akong basagulero sa loob kaya sa halip na i-imprison nila ako, minomonitor na lang nila ako mula sa malayo. Tingin ko nakita nila yung pagsuntok ng isa sa inyo kay Jin at kapag nalaman yun ng Admeral o ng Collonel, yari kayo. So... Magbebehave na ba kayo simula ngayon?” tanong ko sa kanila na tinanguan nilang lahat...

Watattaps... speachless ang mga mokong! Ano kayo ngayon.

“Makinig. Ito yung plano ko.” Nakining naman silang lahat. Pero bago ko pa masimulan dumating na yung tatlo at napansin agad ni Shun na walang magugulo o maingay.

“Anyari? Tahimik nyo ah??” walang nagsalita sa komento nya.

“Huy, Forrest anong ginawa mo sa kanila para tumahimik? Pinadalhan mo rin ng sulat mga magulang nila?” tanong sa akin ni Rikko pero sa tingin ko si Jin lang ang nakakahula ng tama sa ginawa ko.

Ang Pagiging LalakiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon