APL-16

83 2 0
                                    

APL 16- “Rikko” Hiroyuko Cantara

Rikko’s PoV

Alam kong babae si Lime. Kilala ko sya simula high school at ako lang ang itinuring nyang kaibigan matapos daw nyang ma-heart broken sa una nyang naging kaibigan sa elementary. Simula noon naging sanggang dikit na kami pero nagkaroon ng isang utos mula sa presedente ng kumpanyang pinagtatrabahuhan ng ama ko at pinapunta kami sa Japan.

Noong nasa Japan ako doon ko nalaman mula kina Mike na naghimatay dahil sa labis na pag-iyak si Lime at hindi na nagigising. Sinabi ng doctor na shut down ang nangyari kay Lime. Iilang tao lang ang nagkakaroon ng ganito kada tatlumpong taon at dahil nga Pilipinas ito wala silang ibang magawa kundi ang obserbahan ang kalagayan ni Lime.

Nagising naman sya noong isang taon dahil daw iyon sa isang babae na pumasok sa silid ni Lime at nagdala ng mga Dried Mangos. Lahat kami ay nakahinga ng maluwag dahil doon pero may kakaibang nangyari kay Lime. Mas lumakas ang katawan nya. Nagagawa nyang gumalaw ng pulido at makipaglaban sa mga sanggano ng hindi man lang nahihirapan. Para syang naging super human. At isa pang naging kapalit ng kalakasan nya ay hindi masyadong lumaki ang dibdib nya dahilan para lagi syang mapagkamalang lalaki sa eskwelahan. Kaya naman naisipan nyang mag-aplly sa PNP para na rin makatulong sa pamilya at maipaghiganti ang nangyari sa kuya nya. Kahit na wala na naman syang paghihigantihan.

Ilang taon kaming hindi nagkita. Lahat ng update ko mula sa kalagayan nya ay sinasabi lang sa akin nina Mike at ML kapag may pagkakataong wala si Lime o hindi sila nagsusugal.

Naalala ko tuloy noong una kong makita si Lime kasama si Jin sa basketball court sa loob ng gym ng school namin. Noong una hindi ko alam na sya yun pero noong kumaway sya sa maraming tao, duon ko napansin ang scar sa kanyang pulsuhan. Nagkaroon sya ng sugat noong highschool kami dahil sa mga pang-aapi sa akin ng mga taga roon dahil ibang lahi daw ako. Sya ang nagtangol sa akin kaya naman ng sandaling sasaksakin na ako noong isang babae ay iniharang nya ang kaliwang kamay nya at sa may parteng pulso sya natamaan. Natakot yung mga babae dahil sa pulso tinamaan si Lime at ayaw nilang makapatay kay sila tumakbo. Yun ang una naming pagkikita at yun din ang naging dahilan ng pagkakaibigan namin.

Let’s talk about Jin. Si Jin naman ay isang taong cool. Yun ang discription ko. Malandi sya sa mga lalaki dahil gusto nyang kainisan sya ng mga lalaki. Hindi ko alam kung anong dahilan nya at ginagawa nya ito pero sa tuwing makikita kong magkasama sila ni Lime, ang nakikita ko ay yung Jin na kababata ko sa Japan. Tumira kasi sa Japan yang si Jin tatlong taon din siguro kaming naging magkapitbahay ni Jin pero noong namatay ang mga magulang nya ay pinapunta sya ng tito nya sa Pilipinas, while the beautiful me stay in the country. Twelve ako ng dalahin ako ng magulang ko sa Pilipinas because of bussiness. Nakita ko muli si Jin pero bakla na sya noon. Sabi nya sa akin thirteen daw sya ng mabakla sya at nito ko lang napansin na isang taon ang tanda ni Jin sa aming dalawa ni Lime.

Ayaw kong pagkumparahin pero twelve nagkaroon ng unang shut down si Lime. Unang pagkakataon iyon na tumagal ng dalawang lingo. Hindi naman siguro matagal iyon sa mga huli nyang shut down pero naulit yun at bawat pag-ulit noon, nadadagdagan ng dalawang linggo.

Ang Pagiging LalakiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon