APL 4
“HOY IKAW!....” pinilit kong kumawala kay Segh pero wala talaga malakas ang kapit nya. “Bitawan mo si Lime!!” sigaw nya.
“Aba, mukhang may bago kang lalaki sa buhay mo Green.” Bumaling sya sa akin at sinubukan nyang ilapit ang mukha nya sa akin na pilit ko namang inilalayo sa kanya.
“HOY! Sinabi kong bitawan mo sya!” nanlaki ang mata ko ng makita kong nasa kanan ko na si Jin at nasa kaliwa sya ni Segh.
“At kung hindi ko sya bitawan? Wag ka na ngang makialam chimpmunk!” sabi ni Segh at niyakap pa akong lalo at inilapit nya ang mukha nya sa akin.
“Subukan mong ituloy yan matitikman mo ang panghabang buhay na galit ko.” Wow, kung ako si Segh siguradong natakot na ako sa boses ni Jin pero makapal talaga ang mukha nitong lokong ito e. Hindi man lang natinag at nginitian pa ng nanghahamon si Jin.
“Yeah? You and what army?” Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko.
Matutuwa ba ako, matatakot, kakabahan, o matatawa ? Pagakatapos kasing sabihin iyon ni Segh agad na nagsikasahan ng baril ang mga babae sa likuran ko ganoon na rin ang mga narinig ko sa labas ng bahay namin. Sinubukan kong sumilip sa likod ni Segh at nakita ko ang army na naroon at may mga nagtutuk na nga ng ilaw asa amin. Ilang sandali pa ay narinig ko ang boses ng aking commander.
“Ikaw Seghart Gabriel Ashton, mabuti pang bitawan mo na si Green kung hindi ay papaputukan ka namin.”
“What? Sir?!! Naloloko na ba kayo? Niyayakap ko lang ang babe ko. Ang girlfriend ko!!” sigaw nya at humarap sa kanila kasama ako kasi hindi pa rin nya ako binibitawan.
“Ang kapal mo! Anong girlfriend! KUPAL KA!!”
“Green words please.” Sabi ni mama kaya naman naparoll eyes ako.
“Sorry po mama.” Sabi ko na lang.
“Bitawan mo na si Lime o ang army ko ang sasalubong sa’yo.” Sabi ni Jin sa nakakatakot pa ring boses.
“Lime? The Fvk! Kelan ka pa nya pinayagang gamitin ang pangalang yan para tawigin sya? Kahit ako hindi nya pinapayagang tawagin sya sa pangalang yan.” Inis na sabi ni Segh at pilit pa rin akong kumakawala. Nakakainis na ang braso ng lalaking ito pakiramdama ko may mabubuong pasa sa tyan ko kapag nagtagal pa ako sa pagkakayakap nya.
“Tanga ka talaga. Lumayas ka na nga. Hindi lang ito basta birthday party! Engagement ko rin ‘to kaya lumayas ka na.” Nabigla sya sa sinabi ko pero sa halip na pakawalan nya ako ay pinilit pa rin nya akong halikan.
*BOOGSSH*
*BLAG*
BINABASA MO ANG
Ang Pagiging Lalaki
Teen FictionSi Lime Green Forrest. Sa kabila ng kanyang berdeng pangalan ay ang pagiging maginoo nya sa isang lalaki na noong umpisa ay misyon lang para sa kanya at hindi tunay na iniibig. Pero dahil sa pagiging "LIWANAG" ng lalaking iyon na nagngangalang Jin F...