APL 36 Don’t Give Up on Us
-Truth will set you to the limit.
Napahawak sa mukha nya si Jack. Gusto nyang takpan ang reaksyon nya. Matapos ang ilang sandali ay dahan-dahan syang bumaling sa gawi ko at tinignan ako ng kanyang mga nanlilisik na mga mata. Nabigla ako doon subalit hindi pa rin nawawala ang gulat ko mula sa kanina.
“Kung ganoon, hindi mo pala talaga alam na ako iyon. O inisip mo na si Jin ang lalaking yun?” hindi ako nakapagsalita.
Umiling lang ako hanggang sa humakbang sya palapit sa akin at umatras naman ako kasabay ng pagtulo ng luha ko. Yung totoo, hindi ba ako nadedehydrate sa kakaiyak ko? Hindi pa ba paga ang mata ko sa kakaiyak?
“Lime, mukhang nalimutan mo na? Hayaan mong ipaalala ko sa’yo.” Patuloy lang akong umiiling hanggang sa lumapat na ang likod ko sa isang punong kahoy. Muling lumakas nanaman ang hangin. Hindi na rin kami masyadong nasisinagan ng bwan. Nakalapit na ng husto sa akin si Jack at hindi ko pa rin tinatanggal ang tingin ko sa mga mata nya. “Tingin mo ba, biro lang sa akin noong sabihin kong masarap kang halikan? Akala mo ba biro lang sa akin na gusto kitang kunin mula kay Jin? Akala mo ba hindi ko alam na ikaw talaga ang babaeng yun Lime? Hindi ko alam kung bakit gusto mong makipaglaro kay Jin ng ganito pero wala na akong pakialam ngayon Lime. Ipapakita ko sayong ako talaga ito.” Bahagya syang lumayo sa akin matapos nyang sabihin iyon.
Natakot ako. Hindi ko alam kung bakit pero sa pagkakataong ito pakiramdam ko kailangan ko ng tulong. Tulong mula sa kahit na sino. Pero mas mabuti kung kay Jin. Nakahawak na ako ngayon sa puso ko habang pinapanuod si Jack na may kinukuha mula sa leeg nya.
Pinilit kong hindi ibaling sa ibang dereksyon ang mukha ko para makita ko kung ano ang kinukuha ni Jack subalit nagawa kong ibaling ang mukha ko sa kaliwa at parang hirap na hirap akong huminga hanggang sa ipikit ko ang aking mga mata.
Wala akong ibang narinig o naramdaman ng sandaling iyon. Iyong pakiramdam na parang nawalan ka ng five senses dahil sa sobrang takot at kaba. Ganoon yung naramdaman ko hanggang sa hinawakan na ako ni Jack sa balikat at ilang sandali pa ay nakayakap na sya sa akin.
“Iyan ang pangako ko Lime. Ang ibigay sa’yo yan sa muli nating pagkikita. Sa’yo yan at kahit na isipin mong si Jin ang lalaking yun, isang paraan lang para makasigurado ka at yun ay ang itanong sa kanya kung nakita na nya ang kwintas na yan. Kapag sinabi nyang oo, malaya kang isipin na nagsisinungaling nanaman ako sa’yo pero kapag sinabi nyang hindi, handa akong sumunod sa’yo sa Japan at doon na tayo magkakasamang muli. Ng wala si Jin sa buhay natin.”
Hindi ako makahinga. Pakiramdam ko mamatay na ako. Sa katotohang sinabi ni Jack. Paano kung sabihin nga ni Jin na hindi nya pa nakikita ang kwintas na ito? Hindi naman ako sigurado na si Jin ang lalaki sa nakaraan ko. Pero sabi ni Jack sya yun kaya umaasa ako na nagsisinungaling lang si Jack at si Jin talaga ang lalaki sa nakaraan ko. Kung magkaganoon man, ayos lang na patuloy ko syang ibigin.
BINABASA MO ANG
Ang Pagiging Lalaki
Teen FictionSi Lime Green Forrest. Sa kabila ng kanyang berdeng pangalan ay ang pagiging maginoo nya sa isang lalaki na noong umpisa ay misyon lang para sa kanya at hindi tunay na iniibig. Pero dahil sa pagiging "LIWANAG" ng lalaking iyon na nagngangalang Jin F...