TLFL 54: The Music Box & The Bracelet

1.7K 93 3
                                    

Alex pov

Kakapasok lang namin ni Smirk sa aming kwarto. Si Smirk ang nagdala ng maliit na maleta ko at ako naman ang nagdala ng itim ng paper bag. Gusto sana ako na ang magdala ng maleta ko kasi kagagaling pa niyang Hospital, pero wala akong nagawa. He insisted na siya lang ang magdadala ng maleta ko kasi kaya na daw niya.

Ipinuwesto niya ang maleta sa gilid ng kama. Umupo ako sa kama at matamlay na tinitigan ang paper bag.

"Slowie," napalingon ako kay Smirk. Umupo siya sa tabi ko at hinawakan ang magkabilang balikat ko.

"Smirk, natatakot ako." Matamlay na sabi ko. Tinignan niya ako mata sa mata.

"No, Slowie. Wag kang matakot. It's just a paper bag." Sabi niya.

"Pero paano pag bomba pala ang laman nyan?"

"No. It can't be."

"How do you know?" Seryosong tanong ko. Inalis niya ang mga kamay niya sa magkabilang balikat ko.

"Dahil kung bomba yan, eh, 'di wala ng mapaglalaruan ang nagbigay nyan kamag pumutok 'yan."

"Oo nga no?" Sabi ko tapos bigla na naman niya akong hinawakan sa magkabilang balikat ko.

"So don't be scared. Nangdito lang ako. And what's inside it, we'll face it together. I'll be your strength. Hinding hindi kita iiwan. I will protect you." Sincere niyang sabi habang tinititigan ako sa aking mga mata.

"Ang OA mo. Pero, oo na. Hindi na ako matatakot. Umalis ka na nga. Magbibihis na ako. " Sabi ko at mabilis na tumayo at nagcrossarms. Nakakadala kasi ang mga titig niya. Alam niyo na, baka saan na naman mapunta ang titigan namin.

"Pero Slowie, ayoko." Sabi niya sabay tayo tapos umupo ulit.

Hinawakan ko ang braso niya.
"Anong ayaw mo ha!" Hinila ko siya patayo pero ang loko mas diniin niya pa ang pag-upo sa kama.

"Ayokong umalis, Slowie ko."

"Pero magbibihis ako."

"Eh di magbihis ka dyan. Promise di ako titingin." Sabi niya at pumikit pa.

"Smirk, 'wag mo nga akong pinagloloko. Labas sabi eh."

Nabitawan ko ang braso niya. "Ayoko. Magbibihis din ako." Sabi niya at itinaas ang kaniyang pang-itaas pero napigilan ko. Oh my abs. not again. Kahit napigilan ko ang paghuhubad niya, still kita parin ang six packs abs niya. He's halfway topless.

"Abah! Pinapainit mo ako ahI mean ang ulo ko." Reklamo ko. Shets. Ano ba 'tong nasabi ko? Nakita ko lang ang abs niya, mali na ang lumalabas sa bibig ko.

Itutuloy na niya sana ang paghuhubad nang hinawakan ko ulit ang braso niya. Mas nilakasan ko pa ang paghila sa kaniya patayo nagulat na lang ako sa sunod na nangyari.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang sarili ko sa ibabaw niya. Tumaob kasi ako sa kaniya dahil sa biglaan niyang paghiga sa kama. At hindi lang katawan ko ang tumaob, kundi pati labi ko ay tumaob sa labi niya.

Tuluyan na niyang hinubad ang kaniyang pang pang-itaas at hinagis ito sa isang tabi. Aalis na sana ako sa ibabaw niya nang bigla niya akong hinila.

"Smirk!!" Sigaw ko nang hinila niya ako. Niyakap niya ako ng mahigpit. Yung yakap na parang ayaw akong pakawalan. Rinig na rinig ko ang pintig ng puso niya. At dahil dito, medyo gumagaan ng pakiramdam ko. Pero kailangan na naming maghiwalay. Kasi for sure, kanina pa kami hinihintay sa baba.

The Long Forgotten Love (Slight SPG! On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon