TLFL 43: Chris Revelation & The Leech

2.1K 186 5
                                    

A.N. This Chapter has bad words! Please read your own risk!

Chapter 43

Chris Pov

Nangdito na ako sa Car Park. Kadadating ko lang mula sa kakahanap kay Slowie. Babaeng yun talaga.., parang yung motor lang, tampo na agad?.. Eh sa hindi ko na napigilan ang madulas kong dila. Hindi ko kasi akalaing nagmomotor siya. Si Mary takot siya sa motor. Kaya nga simula noon hindi na ako nagmomotor eh. Tuloy naisip kong hindi talaga siya si Mary ko. But when it comes to reality, siya at si Mary ay iisa. Ang gulo ko ba? Oo.. sinasabi ko na to ngayon dahil napatunayan ko na.

Ganito kasi yun.. Yung nakaraang araw naalala ko may sample ako ng buhok ni Mary noon. So naisip kong kunan ng sample ang buhok ni Slowie.. Nakunan ko siya ng sample noong gabing may nangyari ulit sa amin. PinaDNA ko ang hair samples nilang dalawa.

And just today, I received a call from the lab.. The DNA results came and matches 100%. Iisang tao lang sila. Kaya ngayon ang saya-saya ko.

But it doesn't mean na dahil nalaman kong iisa lang sila, titigil na ako sa pag-aalungkat ng katotohanan. I will still continue my investigations. Kailangan kong malaman kung ano ba talaga ang nangyari sa kaniya nung gabing yun.

Ok since nabuksan ko na ang bagay na ito, siguro panahon na para malaman nyo ang mga nakaraang investigations ko.

Unang pagkakapareho ni Slowie kay Mary ay ang kanyang mga halik. Yeah.. noong kami pa ni Mary, we did a lot of kissing but we never cross the limit o yung tinatawag nilang sexual perpetrating. Hanggang halikan lang ang ginagawa namin.

Kung naalala nyo yung nagpaorder sa akin si Slowie ng ChocoCapuccino sa Cafeteria kung saan kasama namin ang mga barkada kong The Seven Dangerous? Walang choco cappuccino sa Cafeteria. Kaya pumunta talaga ako sa M.C. Restobar na pag-aari ko. Yeah I owned that place. In fact M.C. stand's for Mary & Chris Restobar. Favorite ni Mary na kainin ang lasagne at inumin naman ang Choco Capuccino.

Along the way, pabalik ako sa Academy, may nadaanan akong isang flower shop. Huminto ako para bumili ng bulaklak para kay Slowie. Hindi totoong wala ng roses.. In fact ang daming roses. Pero sa lahat ng bulaklak..haha.. recalling that day na pinagtawanan ako ng buong barkada dahil duma the moves daw ako kay Slowie. Napapatawa talaga ako. Kaya daw TULIPS ang binigay ko kasi TWO LIPS din ni Slowie ang gusto ko. Ganun pa man, thanks to them kasi nakakuha ako ng matamis na KISS kay Slowie.. hahah..

Pero ang hindi nila alam kaya ko binigyan ng TULIPS si Slowie dahil gusto ko malaman ang magiging reaksyon niya. Pero nagulat ako sa naging reaksyon niya. Hindi siya nabahing nang ibinigay ko sa kanya ang TULIPS. Oo, alergic si Mary sa mga TULIPS.. Kaya nga nagtataka ako ngayon. Pero lumabas na ang DNA samples.. at si Mary at Slowie ay iisa talaga. Conclude ko nalang na gumaling na ang alergy ni Slowie sa mga TULIPS.

Then also about the KESUKAL thingy, I think I have shared enough about this part.

Tapos yung food na niluto niya, luto yun ni Mary na pinakamasarap na natikman ko. And also the song one time I heard her singing, kinanta din yun ni Mary.

And also I almost forgot, pareho silang hindi mahilig sa pagpipicture. Pareho silang prebadong tao. Hindi alam ng mga kaibigan ko na may girlfriend ako noon na nagngangalang Mary dahil si Mary mismo ang nakiusap sa akin na kailangang walang makakaalam sa relasyon namin maliban kina Ma at Pa.

And also the last but not the least, nang pinahiram ko sa kanya ang phone ko para tawagan ang sinuman sa bahay nila. Palihim ko siyang binabantayan. I knew she had unlocked my phone. Nakita ko pa nga ang reaksyon ng mukha niya ng gabing yun. Ang passkey ng phone ko ay ang Anniversary namin.

The Long Forgotten Love (Slight SPG! On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon