TLFL 42: Tita Laura & Lola Aurelia

2.4K 187 6
                                    

A.N. This Chapter has bad words! Please read your own risk!

Chapter 42

Alex pov

Maagang natapos ang last subject ko ngayong araw dahil nagka emergency daw ang prof namin. Ngayon naglalakad na ako sa pathway papuntang main gate ng Academy.

Mag-isa lang ako. Hindi ko kasama si Smirk dahil may klase pa siya. Because of this, I'm thankful. Kahit papaano makakatakas na naman ako sa kapilyohan niya.. hahah..

'Pilyo pero mahal ko naman.' Sabi ko sa aking isipan.

Totoo naman.. In fact miss na miss ko na nga siya eh. Pero ayoko muna siyang makita dahil sa weirdness niya. Sabihin ba namang takot ako sa pagmomotor.. Like hello!! I love motorbiking kaya. Hay.. ang labo ko talaga. Miss ko pero ayoko munang makita?!

Si Angella naman, may klase pa siya. Hindi ko pa nasabi sa kanya ang dapat na sasabihin ko sa kanya kanina. Kinapos kasi kami ng oras. So napagpasyahan na lang namin na saka na pag-usapan.

Tama na rin to kasi mas gusto ko na munang mapag-isa. At umaasa ako na may patutunguhang maganda itong pag-iisa ko ngayon.

Hindi naman masyadong kalayuan dito sa Academy ang kinaroroonan ng Condo ko. Mga 6 buildings siguro ang layo.. So ok lang kung maglalakad ako pauwi.

Haishhh.. Kung bakit pa kasi ang laki at ang lapad ng Academy na to?! Ang haba ng pathway na kailangang lakarin. Ok lang naman sa akin. Kaya lang nangdito pa rin kasi yung feeling na parang sinasakal ka ng bawat tao/impaktang makakasalubong mo. Para bang tingin nila sayo isa kang kriminal. Hanggang ngayon, hindi ka pa rin katanggap-tanggap.

But all I can do is to breathe deep, pretend they don't exist.. O di kaya mga pader lang sila na dinadaanan ko.

"Pero bakit?! Bakit?! Bakit nagawa yun ni CyMer sa akin?!" I muttered under my breath. Bigla na namang sumagi sa isipan ko ang nangyari kanina sa Math class ko. I thought having Prof. Dreary(boring) gone, would change my feelings about Math. I thought having CyMer as the new Math Prof is my great advantage kasi kaibigan ko siya. But so sad it turned out to be an unexpected nightmare. A surprise nightmare.

Hindi ko akalaing magiging ganun si CyMer. Kilala siya bilang Mr. Nice guy. Among the 7 Dangerous, siya daw ang pinakamabait sa lahat. Tagapagtanggol ng mga kababaihan. Masiyahin at kahit kailan wala akong nakitang masamang ugali sa kanya.

Pero ngayon, hindi ko na alam kung sino ba talaga ang totoong CyMer. Si CyMer na kaibigan ko ba? o ang CyMer na gumulantang sa akin few hours ago.

****

Nakalabas na ako ng Academy.

By now I am walking at the side of the road. May mga tao ding dumaraan. Mga familiar na mukha at di familiar. May ngumingiti sa akin, tango lang ang isinagot ko.

Ilang minuto ang lumipas, nakaramdam ako ng pagod sa mga binti ko. Nakakapagod din pala ang maglakad kahit hindi bundok ang nilalakad. And take note hindi pa kalayuan itong kinatatayuan ko ngayon sa Academy. Now I know how it feels like to have no transport.

Tamang tama may nakita akong isang waiting shed na malapit sa isang streetlight at pedestrian lane. Agad akong lumakad palapit dito.

Uupo na sana ako nang biglang naagaw ang attensyon ko sa isang matandang babae na mukhang nasa 80's na.

"Oh my gosh! What is she doing?" I uttered.

Agad akong tumayo para puntahan si lola na tatawid ata ng kalsada. Matanda na kasi siya at delikado para sa kanya ang tumawid mag-isa. Oo mag-isa lang siya. Nasan kaya ang mga anak niya? O ang mga apo?! Wala man lang ni isang sumama sa kanya?!

The Long Forgotten Love (Slight SPG! On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon