TLFL 19: Knight in Shining Armour

2.3K 205 8
                                    

Chapter 19

Alex Pov

Sinubukan kong lumabas pero nakalock ang pinto. Nagpapanic na ako.

"Alam ko pare.. Konting tiis nalang Pare. Hintayin muna natin si bosing.. Patay tayo dun pag inunahan natin siya."

"Oo pero siguro mas maganda kung ngayon naman tayo ang mauna kay bosing. Palagi nalang siya ang nauuna."

"Sige na nga Pare. Pero dahil ako ang nakabingwit akong mauna."

Pagkatapos nilang mag-usap ay ilang sandaling katahimikan ang bumabalot. Tapos biglang bumukas ang pinto at hinila ako ng lalaking may dalang maliit na pin light.

'Lord help me po!'

"Sssakloloooo! sakloloooo! Tulungan nyo po ako!"

"Wag kang mag-alala Miss. Pagtutulungan ka lang naming dalhin sa Paraiso. Madali lang tayo dun." sabi nung isang sa tingin ko ang driver ng taxi.

"SAKLOLOOO!.. SAKLOLOOO!.." malakas na sigaw ko na halos mapuputol na ang lalamunan ko. Pinagtutulungan ako ng dalawang MANYAK.

"Kahit magsisigaw ka pa ng pinakamalakas mong sigaw, walang makakarinig sayo. Walang pumupunta dito sa teretoryo namin." sabi nung isa na hinawakan ako sa magkabilang kamay ko. Napaupo na nila akong dalawa..

"Mga kuya.. Parang awa nyo na..Maawa po kayo sa akin."

"Kahit kailan wala pa kaming pinakawalan. Sa kinis at ganda mo, hinding hindi ka namin pakakawalan." sabi niya na sinusubukan akong hubaran ng jeans pero di niya magawa-gawa dahil tadyak ako ng tadyak sa kanya...

"Gusto ko tong isang to Pare. Palaban."

Napatigil silang dalawa ng biglang namatay ang light post. Kaya ngayon it's complete blackout. Lalo akong nanginginig sa takot.

"Pare bakit mo ako binatukan!"

"Anong binatukan. Ang dilim nga babatukan kita. Bilisan mo diyan.Kahit kailan talaga ang bagal bagal mo. Kating-kati na ako dito."

"Pare intindihin mo nalang. Palaban tong isang to."

"Aray.. Gago ka pala eh.. Ikaw pala tong nambabatok."

"Aba't nakakalalaki kana ah. ba't ka nanununtok!"

"Siguro dahil ako ang mauuna kaya ka ganyan. Suntukan nalang tayo para malaman natin sinong karapat dapat mauna sa kanya."

Nagtatalo sila kung sino ang mauuna? Tapos naririnig ko nalang nagsusuntukan na sila. Sige magsuntukan lang kayo.

Habang nagsusuntukan sila, tyumempo akong kunin ang maliit na pin light na nabitawan ng isa sa mga rapist at nakuha ko naman ito.

Tatakbo na sana ako nang may biglang humila sa akin at niyakap ako. Tinakpan ang aking bibig..

Saklolooo! Sakloloo! Sigaw ko sa aking isipan. Hindi ako makasigaw.

Dahil sa takot ko, nabitawan ko ang pin light. But I have to fight for my life. Nagmumiglas ako hanggang sa naramdaman ang dibdib niya sa mukha ko. Hanggang sa naisipan kong gawin ang dapat para sa mga rapists. HAHAHA! Tinuhod ko siya sa pinakamaselan niyang bahagi tapos tinapakan.

Pero kung minamalas nga naman, pati ang pin light na tanging pag-asa kong makaalis ay natapakan ko din. So I have no other choice but to run as fast as I can.

Iyak ako ng iyak habang tumatakbo.

Pakiramdam ko isa akong bulag. Dahil wala akong makita kundi ang kadiliman lang ng paligid.

Ganito siguro ang pakiramdam ng mga bulag. Ang hirap hirap pala..

Dagdag mo pa ang mga paa kong ang sasakit na dahil sa hindi na mabilang ang pagkadapa ko. Kung anu-ano kasi ang natatapakan ko at kung anu-ano ang tumatama sa mga paa ko. Nakapaa na lang kasi ako dahil natanggal ng rapist ang mga sapatos ko. Pero wala na akong pakialam sa anumang sakit na nararamdaman ko. Ang mahalaga makatakas ako. Pero makakatakas pa ba ako?..

The Long Forgotten Love (Slight SPG! On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon