TLFL 55: New Revelations 1

1.7K 78 10
                                    

Chris Pov

Pagkatapos kong magbihis at mag-ayos, tumingin ulit ako sa salamin at ngumiti. Kailangan extra pogi ako ngayong gabi bilang kahilingan ni Slowie. Magdidate daw kasi kami. Pero nagulat ako pagbaba ko.

"Where is everybody? Where is Slowie?" Bulong ko. Nawawala kasi silang lahat. Ni isa sa kanila, wala akong mahanap.

Nananaginip ba ako? Kasi kung panaginip 'to, hindi ako natutuwa. Kinusot kusot ko ang mga mata ko. Lalo akong kinabahan dahil walang nagbago. Wala pa rin sila. Gumagabi na pa naman.

Linibot ko ulit ang resort nang may nakita akong isang maliit na nakarolyong papel sa sahig. Pinulot ko ito.

See you at the function hall! Love you. Mwaahh

Love,
Slowie

Nakahinga ako ng maluwag at agad akong nagtungo sa nag-iisang Function Hall. Sira talaga ako. Bat di ako nagpunta doon?

Pinihit ko ang seradora at pagpasok ko biglang bumukas ang ilaw.

"Surprise!!!!" Napahawak ako sa aking dib-dib sa sobrang pagkagulat sa biglaang pagbukas ng ilaw, pagsigaw nila at sari-saring party poppers na pumutok at tumama sa mukha ko.

"Yow guys, nandito lang pala kayo." Ngumiti ako ng pilit sa kanila.

"Happy Birthday Son!" Bati ni mama na kalalabas lang mula sa likod ng mga barkada ko. Kasama niya si Papa. Hinalikan niya ako sa pisngi ko at niyakap.

"So glad you're here ma." Sabi ko at naghiwalay na kami ng yakap.

"Happy Birthday Son!" Bati naman ni papa.

Napalingon ako kina MiCo nang maalala ko si Slowie. She's not with them.

"Si Slowie asan?" Nag-aalalang tanong ko. Nagulat ako nang bigla silang nagsihawanan. At ang sunod na nangyari ay nakita ko si Slowie na nakangiti habang kumakanta ng birthday song. Papalapit siya sa akin habang bit-bit ang isang layer ng nakasinding chocolate cake. Teka, tapos na ang birthday ko ah..

"Happy birthday, Smirk ko!" Masiglang bati niya sa akin. Hiyawan naman ang buong tropa pati mga girls.

"Slowie ko, you look lovelier tonight." Sabi ko. Naka skyblue dress siya at ang kaniyang Ngumiti lamang siya at nagtitigan kami mata sa mata.

"Yow, Kuya Chris. Stop the eye-to-eye na. Continue niyo na lang 'yan later." Sigaw naman ng makulit kong pinsan na si Mae.

"Oo nga! Blow the candles na! They're melting na oh! I'm craving for that cake pa naman." Sigaw naman ni Aina ata yun.

Hihipan ko na sana nang bahagyang inilayo ni Slowie ang cake. Tinignan ko siya na nakakunot noo. "You forgot something." Sabi niya.

Bigla akong inakbayan ni John. "You have to make a wish before blowing the candles dude."

"Ahhh.. oo nga no." Sabi ko at pumikit na.

'I wish na sana kahit anong problemang darating sa buhay namin ni Slowie at sa pamilya ko, ay malalampasan namin lahat.'

Pagkatapos kong magwish ay binuka ko na ang mga mata ko. "Done." Sabi ko at hinipan na ang mga kandila. Palakpakan ang lahat.

"Kiss!! Kiss!!" Sigaw nina John at Mark.

"Slowie, kiss daw sa." Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil bigla akong hinalikan ni Slowie sa aking labi. Hiyawan na naman. Mga limang segundo ang itinagal ng halik niya. 

The Long Forgotten Love (Slight SPG! On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon