TLFL 46: Alex Downfall

1.9K 184 4
                                    

Chapter 46

Alex pov

Spell awkward..

Yung bang nag-iisa ka lang mag-agahan sa ibang tahanan. Tapos yung mga katulong tinatawag mo para sabayan ka, ayaw naman nila. Para bang may tinatago sila sa akin at kaya ayaw nila akong sabayan kasi iniiwasan nila ako.

Nakapagpalit na pala ako ng damit. Pangbabae na ang suot ko. Pinahiram ako ni Mae. Ang gandang bata.. Parang hindi siya isang katulong kasi ang kinis ng balat niya.

Siguro nga nahihiya lang ang mga katulong sa akin. Hindi ko naman sila pwedeng pilitin kasi may sarili silang karapatan at desisyon. It should be me ang dapat mahiya..

Ang awkward talaga..

Kaya naman ang ginawa ko para mawala ang awkwardness, inilagay ko ang picture frame ni Smirk sa table. Heheh.. Oh ayos di ba?!. Heheh..

Pero lagot talaga ako kay Smirk kasi ang dami kong binasag. Kung bakit pa kasi ang OA ko makareact. Nalaman ko pa naman mula sa katulong na kasama ni Mae na si Marga. Wala dawng nangyari sa amin ni Smirk kagabi. Tapos sabi niya siya daw ang nagpalit sa akin ng damit dahil sinabihan siya. Kaya daw ako nakabrief kasi sinadya niya daw talaga yun at brief nga ni Smirk ang suot ko.. Ibang klaseng mangtrip ang katulong na yun. Pang-asar daw sa akin.... Napailing nalang ako.

Back to Smirk tayo. Nasaan na nga ba siya? At bakit parang tinatago sa akin ng mga katulong? Hindi tuloy ako mapalagay. Lalo na ngayong hindi ko naiintindihan ang mga katulong. Hindi nagsi synchronize ang mga sinasabi nila.

Why would they leave without me?!! Like hello!! So hinatid lang ako ni Smirk dito sa mansyon niya?! Ganun! Tapos bumalik na siya sa LINTA niya?!..

'Sh*t... what am I thinking?!' Pero possible naman na bumalik siya sa LINTANG yun.. no.. It can't be... sana mali ang iniisip ko..

"Teka.. Bakit di ko nalang sila tawagan isa-isa?.. Si Smirk at si Mommy Crystal." Sabi ko.. hahah.. ang slow ko talaga nuh.. React agad ako ng react.. hahah.. Nega much..

Kinuha ko ang Picture frame ni Smirk. Habang nagdadial ay hawak ito..

Dialling Smirk ko..

Bakit hindi niya sinasagot? Nakailang dial na ako pero hindi niya sinasagot.. Ahh.. baka busy sa LINTA niya.. Arrrgg.. Stop being so nega Alex..

Si Mommy Crystal nalang ang tanging pag-asa ko... Huminga muna ako ng malalim bago nagdial..

Dialling Mommy Crystal..

Ano bang nangyayari?!! Bakit pati si Mommy Crystal, hindi din sumasagot sa mga tawag ko.. Haisshh...There's really something going on.

"Teka.. Si MiCo.. Siguro alam ni MiCo." Biglang sabi ko.. sana naman this time may sasagot na..

Dialing MiColungo...

"Come on.. Please pick it up... Please.." sunod-sunod kong sabi habang dinadial ang number ni MiColungo.. Nagriring ito pero shets.. hindi niya din sinasagot...

Nakailang redial na ako pero wala paring sumasagot..

"The number you dialled is currently unattended! Please try your call later!"- ang palagi kong naririnig mula sa operator..

Ano bang nangyayari? Pakiramdam ko pasan ko ang bigat ng buong mundo at pinagkakaisahan ako.. Nakailang subo palang ako ng pagkain at ngayon parang nawawalan na ako ng ganang kumain.

Ibinalik ko na ang phone ko sa ibabaw ng table. Wala na akong ganang kumain. Ngayon ang ginagawa ko ay tinititigan ko nalang ang picture ni Smirk.

"Hoy Smirk! Ang daya mo! Hinatid mo ko dito sa mansyon mo last night pero aalis ka din pala?! Pinuntahan mo siguro ang LINTANG yun no... Pero bakit?! Why would you do it?! Why would you do such thing to me?!" I paused staring at him. Para akong sira ulong kinakausap ang picture niya. Ang sarap batukan.

The Long Forgotten Love (Slight SPG! On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon