A.N. Thanks again sa lahat ng sumuport ng story ko.
I love you all my readers including the silent readers!^____^
Chapter 49
Alex pov
"Room 601?" Tanong ko sa babaeng nurse na nakasalubong ko. Grabeh kasi sa laki itong St. Luke at halos mahihimatay na ata ako sa kakatakbo.. Pero infairness ha kung hindi lang talaga ako nagmamadali, hihiga na talaga ako sa sahig dito sa Hospital.. Ang linis linis kasi.. Pangmayayaman talaga. Ang yaman siguro ng may-ari nito.
Sana okay lang talaga si Angella. Hindi ako mapalagay eh. Kung wala lang sana akong pinoproblema ngayon, pupuntahan ko talaga siya.
"Ahh.. there it is sa wakas." sabi ko. Sa wakas nahanap ko din ang room. Sakto namang papalapit na ako nang bumukas ang pinto at iniluwa si John Ruel? Ahh oo nga pala.. Isa nga pala siya sa 7D.
"Uy Princess.. Sa wakas dumating kana.. Kanina ka pa namin hinihintay lalo na ang iyong Prinsipe. Bat hingal na hingal ka?." Sabi niya na wagas kung makangiti. Ngiti ng mga babaero.
"Hindi ko kasi agad nahanap ang room." sabi ko habang hingal na hingal.
"Ahh.. kaya pala.. Your sweetheart is waiting. Wag kang tatakbo ha." Napakunot noo ako. Wag daw akong tatakbo. Talagang hindi na ako tatakbo kasi pagud na ako sa kakatakbo kanina lang. I shake my head.
"Heheh.. Never mind Princess. Alis nalang muna ako. Maiinggit lang ako kasi wala akong chix. Baka sa labas makahanap ako ng bagong chix.." sabi niya tapos nagpeace sign sabay kindat. Sinamaan ko siya ng tingin. Wala na talagang pag-asa ang mokong na yun. Sagad na sa boto ang pagkababaero. Pero ewan ko lang pag yung mokong na yun tinamaan.
Huminga muna ako ng malalim bago pinihit ang doorknob. Huhu. Kinakabahan ako sa totoo lang.
Pagkapasok ko halos maibagsak ko ang dala kong art na ginawa ko kanina lang. Buti nalang napigilan ko. Pero ang hindi ko napigilan ay ang pagtakas ng mga luha ko. Tapos napatakip ako ng bibig para pigilan ang paghagulhol ko.
Si Smirk ay nakahiga sa hospital bed. Ang ulo niya ay nakabenda at mga mata niya ay animo'y naatake ng libo libong bubuyog sa tinding pamamaga. Joke lang. Hindi ganun kamaga ang mga mata niya. May cut lang siya sa gilid ng kilay at konting mga pasa. Gwapong gwapo pa rin siya.
But still this is all my fault. I should have swing away from that bar. Kung bakit pa kasi pinanganak akong napakaSLOW ang utak? At diniin ko pa talaga.
Lumapit ako sa kanya at inilapag ang dala kong art kasama ang aking pouch sa mini table na nasa tabi lang ng kama niya. Tapos umupo ako sa isang stool.
"This is all my fault. Sorry Smirk ko.. I'm really really sorry.*tsup, sniff* I shouldn't have got in to that place.. *tsup*.. eh di sana hindi ka napahamak dahil sa kapabayaan ko.. *tsup sniff sniff*.. Eh di sana wala ka dito ngayon.." Umiiyak na sabi ko habang pinuno ng mga masusuyo kong halik. Malay natin mabawasan ang sintensya ko. Ang dami ko pa namang mga nabasag sa kwarto niya. Niyakap ko siya at itinabi ang mukha ko sa mukha niya.
"WAAHHHHHH!!! Huhuhu.." malakas kong iyak na namatayan.. Kung nakakayanig lang ang boses ko, siguro kanina pa gumuho ang gusaling ito. Eh sa ganito ako umiyak eh. And I don't care if I sounded like a cow giving birth.
"Waahhh.. Smirk ko gumising kana please! Wag mo akong iwan! Huhuhu.. Pakakasalan mo pa ako di ba? Nangako ka na pananagutan mo ang nangyari sa atin. Kaya gumising kana please. Huhuhu..*sniff sniff*... Please Smirk ko gumising kana.." Sunod-sunod kong sabi habang umiiyak. Actually sinisigawan ko siya baka sakaling magising.
"At paano pagbuntis ako Smirk huh?!! Wala pa naman akong kabuwanan ngayon! I mean I didn't have my monthly period for this month yet Smirk! Kaya gumising kana Smirk please.." Shets.. Ano ba 'tong lumalabas sa bibig ko.. Pero totoo naman ang sinasabi ko. Hindi pa ako dinudugo this month. Haish.. Please Smirk gumising kana.
![](https://img.wattpad.com/cover/20261289-288-k242965.jpg)
BINABASA MO ANG
The Long Forgotten Love (Slight SPG! On Going)
Mystère / Thriller"NaBURA ka man sa UTAK ko, ni-RESTORE ka naman ng PUSO ko!" Hindi inakala ni Alexandra Loraine Ducaine (Alex) na ang lalaking minamahal niya ngayon ay ang lalaking minamahal niya pala noon. Christopher Kyle Anderson is The Long Forgotten Love of he...