TLFL 58.1

667 15 10
                                    

Alex pov

Nasa isang beach ako. Palubog na ang araw at napakagandang titigan nito. Nilingon ko ang buong paligid. Sa unahan, may nakita akong isang punong mangga. Napakapamilyar sa akin ang puno. Lumakad ako papunta dito. Napatigil ako dahil sa isang babaeng nakaputi na nakatayo sa likod nito.

Hindi ko masyadong maininag ang mukha ng babae kaya mas lumapit ako. Pero laking gulat ko nang makita ko na ng malinaw ang mukha ng babae. Ang babae ay walang iba kundi ako---kamukha ko. Tapos napatingin ako sa sarili ko. I am wearing the same dress that the girl's wearing. Why am I wearing the same dress as her? Sa nakikita ko, parang may hinihintay siya dahil palagi siyang tumitingin sa kanyang wrist watch. Sino kaya ang hinihintay niya? Biglang umikot ang buong paligid ko na parang nagta-time travel. Ipinikit ko ang mga mata ko para di ako mahilo. Pagdilat ko nasa gilid na ako ng kalsada. Hindi naman masyadong madilim dahil may mga light-post. Sa unahan, may nahagip akong isang park na medyo ma-tao. Pumunta ako dito pero napatigil ulit ako dahil nakita ko ulit ang babae. Naka side-view siyang nakatayo na parang may tinitignan sa unahan. Suddenly I got curious.

"Miss..., miss...," Tinawag ko siya ngunit tila di niya ako naririnig. Kaya nilapitan ko siya at pumunta ako sa harapan niya. Ngunit tila di niya rin ako nakikita. Malungkot na malungkot ang mukha niya. Bakit kaya? At bakit ako nakakaramdam ng kirot sa dib-dib ko? I waved my hand in front of her sad face pero wala pa rin. Hindi niya nga ako nakikita. Am I a ghost, or something.

The next thing that happened, yumuko siya at humikbi tapos tumingala habang may iilang butil ng luha ang mga pisngi niya. Tapos bigla siyang sumigaw ng malakas na malakas enough na makakakuha ng attensyon ng maraming tao. Gosh. She is so me in the way she cries like a cow giving birth. Hinawakan niya ang kaniyang dib-dib. Tumingin ulit siya sa harapan niya na umiiyak parin. If she sees me, I'm sure magugulat siya dahil magkamukha kami. Baka lalo lang siyang maiyak. I'm just a see-through wall of what she's staring right now. Teka. Ano nga bang tinitignan niya? Could it be the reason why she's crying so hard. Anong iniiyakan niya? Bakit siya umiiyak? Pero bakit ganito? Parang ayokong lumingon sa likod ko kung saan siya nakatitig. Bahala na.

Sunod-sunod na malakas na putok ng baril ang narinig ko at tumama lahat sa dib-dib ko nang makita ko na ang nakamamatay na palabas sa likod ko. It's him and that MerCy bitch kissing intensely. Napahawak ako sa dib-dib kong sobrang sikip at sobrang sakit. Why is this happening? This can't be. This can't be.

Hindi ko nakayanan ang nakita ko. Tumakbo ako ng malakas na malakas, walang pakialam kung saan ako dinadala ng mga paa ko.

"It can't be him and he can't do this to me. He loves me. Ako lang ang mahal niya at hindi ang Mercy na yun." umiiyak na sabi ko habang tumatakbo. Bigla akong napatigil nang may narinig akong malakas na busina ng sasakyan at isang puting liwanag ang nakita kong papalapit sa akin.

My whole body is shaking and my heart is abnormally pumping. I feel my whole body's soaking wet. Isang boses ang naririnig kong tumatawag sa akin---boses ni smirk.

"Slowie!.., Slowie!..Gising!.." Para akong patay na biglang nabuhay. He turned the lampshade on. Hingal na hingal man ay agad kong niyakap si smirk na tila wala nang bukas. Hinapuhap niya ang likod ko.

"It's just a dream..., a bad dream, slowie. So get over it. I won't let anyone harm you. I love you so much." Nag-aalalang sabi ni smirk. Mas hinigpitan ko ang pagyakap ko sa kaniya.

"Don't ever leave me. Please. Don't ever leave." umiiyak na sabi ko.

"I would never leave you. Why would I? Ikaw lang ang mahal ko, mula noon, ngayon, bukas, sa susunod na mga taon, sa ating pagtanda at maging sa kabilang buhay. Ikaw lang, slowie ko." sabi niya at hinalikan ang tuktok ng ulo ko.

The Long Forgotten Love (Slight SPG! On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon