Alex Pov
Three days had passed since that day na nakalabas na si Smirk ng Hospital. Ang dami kong mga bagay na natuklasan ng mga panahong yun. At sa tatlong araw na pamamalagi ko sa St. Luke ay nagkita kami nina Tita Laura at Lola Aurelia. Sila pala ang may-ari ng Hospital at doon naka-confine si Miss Aliza na anak ni Tita Laura. Kaya naman, hindi na kami pinagbayad.
Ang ganda-ganda ni Miss Aliza kahit may konting paso ang kaniyang mukha. I really pity her, honestly. Ano kaya ang nangyari sa kaniya? She must have undergo so much kaya hanggang ngayon, hindi parin siya nagigising. Sana nga lang dumating ang araw na magising na siya, para maipaliwanag niya ang lahat kina Tita Laura. Saka para mahanap na din ang kaniyang nawawalang anak.
Pero ewan ko ba. Nang hawakan ko ang kaniyang kamay, may kung ano akong naramdaman dito sa loob ko. Mahirap eh explain pero ganito ang naramdaman ko nun. Para bang biglang gumaan ang pakiramdam ko, parang kilala ko siya pero hindi ko lang matandaan kung kailan at kung saan ko siya nakilal . Instantly nawala sandali ang mga worries ko tungkol sa mga kinakaharap naming suliranin ni Smirk nang mahawakan ko ang kamay niya.
Speaking of Smirk, he was supposed to celebrate his 18th birthday last Thursday. Remember that morning na tumawag si Mama Crystal at nakipagkita sa akin sa Restobar? That day, we have planned a surprise birthday party para kay Smirk. Yun nga, hindi natuloy dahil sa mga nangyari. Sayang, pero di bale, hindi pa naman huli ang lahat. I can still surprise him, right? And I have actually told Mama Crystal about this and she agreed with it. Pero syempre nung birthday niya, nagkaroon kami ng moment sa isa't-isa. We had a simple candle light dinner date sa condo niya.
"Slowie." Napalingon ako kay Smirk.
"Wala ka na bang idadagdag dito sa mga pinamili natin?" Tanong niya. Napatingin naman ako sa mga pinamili namin.
"mmm no. I think we got all we need for tomorrow, Smirk." Sabi ko.
Sya nga pala, nandito kami ngayon sa Grocery Store na nasa loob ng Mall ni Daddy. Namimili kami ng mga kakailanganin namin para bukas. Yeah, bukas na ang alis namin papunta sa Private Island na pag-aari ni Matthew. Kung naaalala niyo pa ang napag-usapan noon na mag-aouting daw ang buong barkada, si Matthew ang nag-offer ng lugar. Ang yaman din pala ni Matthew. Well, paano nga naman siya makakapag-aral sa Bradford kung di siya mayaman, unless isa siyang scholar.
"Ok. So let's go now to the counter then." Sabi niya. Tumango ako at nagtungo na kami sa counter para bayaran na ang mga pinamili namin.
Ang gwapo niya talaga kahit pareho kaming parang nakapambahay lang. Eh ganito naman talaga kami ni Smirk. Siya ang nagtutulak ng cart na pinaglalagyan namin ng mga groceries at ako naman sa tabi lang niya. Ganun pa rin, pretend to be an ordinary individual pa rin ako. Si Angella naman, magpapatuloy siya sa pagpapanggap bilang ako until my 18th birthday. At dahil dyan, itutuloy ko parin ang plano kong makeover sa kaniya. Speaking of her, I think sila na ni MiColungo. Hindi ako sigurado pero sa tingin ko sila na talaga eh. Hindi pa lang kasi niya inaamin sa akin ni Angella and all I can do is observe her through her actions.
Nakapila na kami ngayon sa counter nang biglang tumayo ang mga tenga ko sa mga pinagbubulungan ng mga impakta sa likod namin ni Smirk.
"Gosh! Ang gwapo niya! Artista ba siya?"
"I think so. Pero sino naman yang kasama niya?"
"Baka maid niya." Ako ba ang pinariringgan nila?
"Pero bakit siya ang nagtutulak ng cart?"
"At parang ang sweet pa niya sa girl?" Oh well, mamatay kayo sa inggit.
![](https://img.wattpad.com/cover/20261289-288-k242965.jpg)
BINABASA MO ANG
The Long Forgotten Love (Slight SPG! On Going)
Gizem / Gerilim"NaBURA ka man sa UTAK ko, ni-RESTORE ka naman ng PUSO ko!" Hindi inakala ni Alexandra Loraine Ducaine (Alex) na ang lalaking minamahal niya ngayon ay ang lalaking minamahal niya pala noon. Christopher Kyle Anderson is The Long Forgotten Love of he...