Author's Note: This chapter is rated SPG!
So please read with your own risk.
Chapter 11
Chris pov
Labis labis ang sayang nararamdaman ko ngayon. Dahil hindi ko akalain na magkikita ulit kami ni Mysterious girl. Sino ba naman ang mag-aakalang sa Bradford Academy pala siya pumapasok. Siguro kung namalagi lang ako dito sa Pinas ay matagal na kaming nagkita. Pero ano kayang pangalan niya?
Kanina habang pinupunasan ko siya ng bimpo, hindi ko napigilan ang pagpatak ng mga luha ko. Oo lalaki ako at marahil ilan sa inyo iisiping hindi ako isang tunay na lalaki dahil sa napakaemosyonal ko. Wala naman akong pakialam kung anong iisipin nyo.. Ang mahalaga sa akin ay ang nararamdaman ko habang pinupunasan ko siya ng bimpo.
Bigla ko kasing naaalala si Mary. Ganito ang ginagawa ko kapag may lagnat siya. O kung ako ang may lagnat, siya naman ang nag-aalaga sa akin.
Looking at her the Mysterious girl, no doubt siya talaga si Mary ko. Kahit saang angulo mo siya titignan lalo na ang kanyang malaanghel na mukha. Pero kung hindi nga siya si Mary, handa akong panagutan at mahalin siya.
Nangdito nga pala ako sa walkin closet ko. Dito ko itinago ang Samsung S3 ni Mysterious girl na naiwan niya kahapon sa kwarto ko sa Beach House.
Dinampot ko na ang Samsung. Nangdito sa loob ang magagamit ko para sa PLAN B. Kung naalala nyo, sinabi ko na gagawin ko ang lahat mapasakin lang si Mysterious girl, itong PLAN B na naisipan kong unang hakbang para mapasakin siya mg tuluyan..
Lumabas na ako ng walkin closet ko na nasa loob ng kwarto ko. Tapos bumaba na ako. Babalik na ako sa sala kung saan ko iniwan si Mysterious girl.
******
Alex Pov
Habang hinihintay ko si Mr. Manyak dito sa sofa ay nilibot ko muna ang mga mata ko sa Condo niya. Black and White ang combinations ng mga pintura nito. Maganda sya pero panglalaki talaga ang design. Tapos ang daming paintings.
Pagkalipas ng ilang minuto ay nagbalik na siya. Dala niya ang isang Samsung S3. Umupo siya sa tabi ko at kinulikot ito. Sinilip ko kung ano ang kinukulikot niya pero iniwas niya sa akin. Parang may tinatago siya.
Pareho pala kami ng phone.. Samsung S3 din ang sa akin kaya lang nawawala..
"Damot nito.. Para tinitingnan lang."
I mumbled. Pero nagulat ako sa ginawa niya.. Imbes na sagutin niya ako ay bigla niyang iniharap sa mukha ko ang screen ng phone.
"Do you know this girl? diretsong tanong niya. He's referring to the girl who's scary weird face is on screen. Tinignan ko ito ng maigi.. Sabug-sabug ang mga buhok at ang iitim ng gilid ng kanyang mga mata na parang panda.
"No... I don't think I know her. Why?" sabi ko na umiling.. eh sa hindi ko matandaang maykakilala o nakita akong babaeng ganun ang itsura. Tumingin muna siya sa akin na parang sinusuri ang mukha ko. Tapos tumingin sa screen ng phone.. Parang kinukumpara niya ako sa babaeng nasa screen. Tapos hinarap niya ulit sa mukha ko ang screen.
" Are you sure?.. Look at her carefully Miss SLOW. Kasi ako, I really recognized her." sabi niya at nagsmirk
"tss.." Tanging nasabi ko. Ano bang gusto niyang iparating? Ito ba ang sinasabi niyang PLAN B?
"Hindi ko nga siya kilala. Ang kulit nito.!" Tapos sandali niyang nilayo ulit sa akin ang phone at nagscroll.
"How about her?.. Siguro naman this time hindi na mahahang yang utak mo SLOWIE.." sabi niya at Nagsmirk na naman... tss.. At binansagan ba ako ng ibang pangalan. Kanina tatulad ng ginawa niya sa unang picture, pinakita na ito sa akin. Pero it's the same girl. Ang pagkakaiba ay hindi na focus ang mukha ng girl.. This time, kita na ang half ng katawan niy. The girl on the screen is wearing a white spaghetti top na may lace na medyo see through. Parang lingerie.. Hindi ko nakita ang kabuuan ng suot niya kasi nakaupo siya sa isang kama na nakakumot ang kanyang ilalim na bahagi. In fairness ang sexy niyang tignan kahit nagmumukha siyang isang panda. Pero napakunot noo nang mahagip ng mga mata ko ang kabuuan ng kwarto.. It's so familiar. Parang katulad ng kwartong tinuluyan ko sa resort ni Daddy noong family outing.. Wait.. loading! Loading..
BINABASA MO ANG
The Long Forgotten Love (Slight SPG! On Going)
Mistero / Thriller"NaBURA ka man sa UTAK ko, ni-RESTORE ka naman ng PUSO ko!" Hindi inakala ni Alexandra Loraine Ducaine (Alex) na ang lalaking minamahal niya ngayon ay ang lalaking minamahal niya pala noon. Christopher Kyle Anderson is The Long Forgotten Love of he...