Chris Pov
Continuation of flashback...
"A sus.. Yun lang ba? ok!" Masayang sabi niya at mabilis na binigay ang hiningi ko. Tapos umalis na ako. Tapos na ang klase ko ngayong araw kaya nilisan ko na ang campus para maghanda sa paghaharap namin ni Master A.
Pumunta ako sa secret warehouse ko kung saan nakatago ang mga kakailanganin ko tulad ng ilang fighting gears. Pati na din ang night vision sunglass ko ay dadalhin ko. Wala akong ibang kasama kundi ang sarili ko lang kaya dapat maniguro ako.
Pagkatapos kong maghanda ay dumiretso agad ako sa nasabing lugar sa isang abandunadong building. Isang lalaking nakaitim at nakasuot ng puting maskara ang lumapit sa akin. Kinapkapan niya ako at nakuha ang mga panlaban ko at sinabihan akong "Hindi mo kakailanganin ang mga ito dahil hindi ka muna namin bubugbugin ngayon. Kaya wag kang gagawa ng bagay na ikagagalit ni Master A, dahil siguradong mamamatay ka pagkatapos ng gabing ito. hehehehe..hehehehe" maangas na sabi ng alagad na nakamaskara at ang mukha niya ay sobrang lapit sa mukha ko.
"Pwes, hindi ako mamamatay sa pambu-bugbog nyo. Mamamatay ako sa baho ng hininga mo. Kahit nakamaskara ka, umaalingaw-ngaw parin." Maangas ko ding sabi at bigla siyang napalayo sa akin.
"Tss.. Umayos ka." sabi niya at tinulak ako papasok ng building gamit ang sandatang dala niya hangang sa nakarating kami sa isang malawak na bar napuno ng mga nagsasayaw na nakamaskara. Napakalakas ng tugtog at ang mga disco lights, sakit sa mata. Pumasok kami sa isang kwarto at doon nakita ko ang tatlong lalaking nakamaskara na may mga letra sa noo, MC, MA at MG. Nakaupo silang tatlo at ang ibang mga alagad nila ay nakapaligid lang sa kanila.
Marahas akong pinaupo sa upuan ng isang alagad. Shit. Hindi nga ako pwedeng umangal ngayon. Ilang sandali nagsalita ang may letrang MA sa noo. "Sa wakas nagkaharap din tayo Anderson." Maangas nitong sabi at ang boses ay halatang hindi niya pag-aari. I mean, he's using something like a microphone to hide his vocal identity.
"tss.. Kung gusto mo akong kalabanin, lumaban ka ng patas. Wag kang duwag, nagtatago sa likod ng maskara. Pangit ka siguro kaya ka nakamaskara."
"Hahaha!! hahaha!! You're funny. Nakakatawa ka Anderson. Hahaha!! Bakit ako makikipaglaban ng patas sayo kung ang babaeng pinakamamahal ko dinaya at niloko mo."
"Hindi ko niloko si Alex, siya lang ang babaeng minahal at minamahal ko sa buong buhay ko."
"Really? Then how do you explain what's in this envelope?" at hinagis sa harapan ko ang isang brown envelope. Kinuha ko ito at tinignan ang laman nito na pictures ko na may kahalikang babae at larawan ni Alex na umiiyak. Biglang nanginig ang mga kamay ko nang makilala ko ang babae sa picture na kahalikan ko.
"Ngayon, sabihin mo sa akin kung sino sa atin ang mandaraya at manloloko?"
"Hindi to totoo. Gawa-gawa mo lang ito." sabi ko at kinuyom ang mga pictures.
"Truth hurts. Ako mismo ang kumuha ng mga litratong 'yan 3 yrs. ago. Hindi ba dapat magkikita kayo sa tagpuan nyo? Pero hindi ka sumipot. Instead, pumunta ka sa park para makipagkita sa kabit mo. Ako ang nasaktan sa ginawa mo kay ALMA noon. HIndi ko napigilan ang pagtakbo niya kaya hindi ko siya nailigtas sa pagkasagasa sa kanya. Kasalan mo ang lahat. Dahil hindi niya kinaya ang ginagawa mo sa kanya sa harap niya mismo, tumakbo siya at nasagasaan at nagka-amnesia."
"Hindi totoo 'yan! Hindi 'yan totoo!" Napatayo ako sabay hampas ng kamao ko sa mesa. Nagsisinungaling siya, malinaw sa akin ang nangyari nung gabing yun. Late akong dumating sa tagpuan namin ni Slowie/Mary dahil nasiraan ako ng gulong pero pagdating ko wala na siya. Hinanap ko siya at narating ko ang park pero wala din siya. Ang naabutan ko ay ang grupo ng mga tao at isang Van na kakaalis lang. Nagtanong-tanong ako, ang sabi may nasagasaan daw. Hindi ko alam na si Slowie pala yun.
BINABASA MO ANG
The Long Forgotten Love (Slight SPG! On Going)
Mystery / Thriller"NaBURA ka man sa UTAK ko, ni-RESTORE ka naman ng PUSO ko!" Hindi inakala ni Alexandra Loraine Ducaine (Alex) na ang lalaking minamahal niya ngayon ay ang lalaking minamahal niya pala noon. Christopher Kyle Anderson is The Long Forgotten Love of he...