TLFL 45: Mr. Stranger

1.7K 185 2
                                    

Chapter 44

Alex Pov

"AHHHHHHHHHH!!!!!" Malakas na sigaw ko na parang guguho ang buong kwarto.

Sasama nalang sana ako kay Boogie man sa tinding kahihiyan! At higit sa lahat sa sobrang katangahan ko! Alam nyo ba kung bakit? Papaano hindi guguho eh iba na ang suot ko.. Hindi ko na suot ang jeans at t-shirt na suot ko kahapon.. Iba na ang suot ko at sa tingin ko alam nyo na ibig kong sabihin.

Isang malaking puting t-shirt na manipis ang suot ko.

"AHHHHHHHHHH!!!" Sigaw ko ulit.. Kasi naman, tinignan ko ang ilalim ko. Hindi na ako nakapanty.. Kundi nakabrief ako..

"Waahhhh!!!.. ang ibig bang sabihin, nakipag-ano ako sa isang stranger kagabi?! Waaaahhh!!!... ang tanga-tanga ko..Ang tanga-tanga mo Alex!!!" Sunod sunod kong sigaw sabay gulo sa magulo kong mga buhok.. Tapos sinuntok-suntok ko ang gilid ng kama..

"Kasalanan mo to Smirk!! Kung hindi ko lang nakita ang pakikipagharutan mo sa PESTENG LINTANG yun, hindi ako mapupunta sa lugar na yun.. Hindi na sana umabot sa ganito!.... Pero bakit?!.. Sa dinami-dami ng mga LINTA, bakit siya pa? Bakit ang LINTANG yun pa?." I muttered gritting my teeth. Galit na galit ako ngayon na parang gusto kong kumain ng tao.

Pero sino si Mr. Stranger? Kailangang malaman ko kung sino siya. Dahil maniningil ako. Ipapakulong ko siya. May CCTV naman siguro sa Bar na yun.. Pero sh*t lang.. Hindi nga pala pwede, dahil kapag ginawa ko itong binabalak ko, there's a titanic possibility na makakarating kay Daddy ang nangyari.. Tapos maggugulo ang tahimik kong pamilya.. Kilala ko pa naman si Daddy. Magagalit yun kina Ate Mars at Kuya Nathan. Iisipin niyang nagpabaya sina Ate.

Aisshhh.. Parang Dejavo ang nangyari sa akin.. Kung may nangyari nga sa akin at kay Mr. Stranger kagabi, eh di parang dejavo nga.

Kasi di ba nga kung naaalala nyo pa bago naging kami ni Smirk, o bago kami nagkakilala ng pormal ni Smirk, may nangyari muna sa amin.

Smirk was a complete Stranger I had SEX with that one Sunny day. It happened under the Mango tree.. Nagsinungaling pa ako kina Ate Mars na nadulas ako.. Oo nadulas nga ako.. Nadulas sa bisig ng isang Stranger.

At kagabi, thinking about it... Ay ako na talaga ang Reyna ng katangahan.. huhuhu.. Nandidiri ulit ako sa sarili ko.. I am so disgusting.

Kahit naman siguro kung kayo ang nasa katayuan ko. Malaman na nakipagSEX na naman ako sa isa na namang Stranger dahil sa katangahan.. Ang hirap tanggapin but I had no choice. Nangyari na eh.. And the worst thing could happen is what if this time I GOT PREGNANT?!

"Wag naman sana Lord! Promise mag-iingat na ako at magpapakabait na po akong anak.. Pero mabait naman talaga akong anak.. Yun nga lang nagpatalo ako sa katangahan ko. Isa pa Lord, ang dami ko pa pong problema. Si CyMer ang kaibigan ko na bigla nalang nagbago ang pakikitungo sa akin." Sabi ko habang nakatingin sa ere..

Karma ko na ba to sa mga kasinungalingan ko? Wahhh.. Siguro nga karma ko na.. Pero hindi ko naman sinasadyang magsinungaling. Wala lang talaga akong choice...

I clenched my fist. I got to find out who that fcktard is.. Right now, I really want to wreck his face with my flaming fist.. Walang hiya siya!!! Pinagsamantalahan niya ang pagkababae ko!.. Pinagsamantalahan niya ang katangahan ko!..

Mula sa pagkakaupo ko sa sahig na Carpeted, tumayo ako.. Sa sobrang galit ko, nagwala ako sa loob ng kwarto.. Isa-isa kong dinampot ang anumang basagin katulad ng mga figurines. Tapos ibinabato ko sa iba't ibang bahagi ng kwarto..

"Walangya ka!!!" sigaw ko sabay bato ng isang mukhang mamahaling Vase sa Wall.. Sapul.. wasak..

Kumuha pa ako ng isa pang basagin.. hindi ko alam kung ano dahil di ko na tinignan.

The Long Forgotten Love (Slight SPG! On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon