Chapter 27
Alex Pov
Pagkatapos naming manuod ng movie ay kumain muna kami sa isang mamahaling restaurant. Umupo kami sa isang table na good for two.
By the way, may sarili na ako akong Condo. Dad arranged it for me. Hiningi ko kasi ito sa kanya noong family vacation namin.It's near the Academy at sa hindi ko inaasahan, magkatapat kami ng Condo ni Smirk.. Pinaalam na ni Ate sa akin kahapon. Ngayong gabi pwede na akong matulog doon kasi nakahanda na ito at nasa akin na ang susi.
"Slowie there's something I want to give you."
"Ha? well there's something I want to tell you too. I mean things pala..But you go first." I said..
"No, you go first."-siya
"No, you first."-ako
"Ok" Tapos may kinuha siya sa kanyang bulsa.
"Ano yan?" Tanong ko. Lumapit siya sa akin at pumunta sa likod ko.
Tapos naramdaman ko nalang na isinuot niya ito sa leeg ko. Isang silver necklace with a heart pendant ang isinuot niya. Bumalik na siya sa kanyang upuan.
"Ang ganda! Thank you. Pero 4th day pa naman natin ngayon. Hindi naman natin monthsary. But I love it."
"I'm glad you love it. Isuot mo yan palagi para kapag wala ako sa tabi mo ay parang nangdyan parin ako." sabi niya. Ngumiti lang ako.
"So ano nga pala ang sasabihin mo?"
"Am an-"
"Here's your orders Sir, Maam." sabi ng waiter at inilagay na nito ang mga pagkain sa table.
"So.. Ano nga pala yung sasabihin mo Slowie ko?"
"Ah.. well I just want to tell you that I'm moving in to a Condo that is in front of your Condo." I said plainly.
"Ok..REALLY?!!" His eyes widen with great excitement.
"Yes."
"That's awesome! But how and why?" nakangiting sabi niya sabay hawak sa kamay ko.
"Well, nung family outing kasi namin, I asked Dad to find me a Condo near the Academy para hindi ko na kailangang umuwi sa Mansyon namin. At yun nga sa dinami-dami ng Condo sa Kingdom Heights ay sa Condo pa na tapat ng Condo mo ang nabiling Condo ni Daddy for me. Ah no.. Hindi pala nabili kondi napili isa si Dad sa may pinakamalaking shares ng Kingdom Heights. Then also I can actually sleep there tonight if I want."
"Sounds like destiny is so in favor for us together. This is really good." he said and smirked.. I glared at him..
"Don't think na magkatapat na tayo ng Condo, you can go to my Condo anytime you want."
"Yeah.. But just so you know, you can't stop me from doing what I want with yo---"
"Like what Manyak?!!" I said raising eyebrows.
"I'm just joking Slowie." sabi niya at nagpeace sign.
"Whatever! I don't trust you Manyak. I better have tear gas with me all the time or an. insecticide." I babbled pero nagulat ako sa sunod niyang ginawa. Tumayo siya at pumunta sa likod ko. Tapos naramdaman ko nalang ang mga kamay niya sa magkabilang balikat.
"But aren't you aware that everytime you call me Manyak, it's sounds so sexy? and it's activating the animal in me? It's very provocative Slowie." he whispered. WAAAHHHH.. Goose bumps.. Nakakakilabot ang tono ng boses niya..
"You're blushing!" dagdag pa niya then he chuckled..
*******
Kasalukuyan akong naglalakad ngayon sa hallway. Pupunta ako ng Library para manghiram ng libro. Vacant ako for the next sub, so naisipan kong maglibrary nalang.
"Wow. This is amazing!" utal ko pagpasok ko sa Library. Nakakamangha ang laki ng library pati na ang architectural design nito na may pagkaheritage.
"Good afternoon Maam!" Bati ko sa babaeng Librarian na may katandaan na. Tumango lang siya. Mukhang hindi siya estrikta. Iniwan ko ang FAKE ID ko sa kanya. Tapos lumakad na ako.
Nakakabingi naman ang katahimikan. Konti lang kasi ang mga estudyante at karamihan ay mga nerds na napakaconcentrate sa mga ginagawa nila. But I prefer here though, rather than staying outside where cheap talking is in every corner by those annoying Bitches. Can they just get a life instead?!!
Hay!! Nakailang bookshelves na ba ako? Hindi ko pa nakikita ang hinahanap ko. Masyado kasing malaki ang library na to.. Tapos ang daming mga libro..
By now, nasa 3rd to the last row na ako ng mga bookshelves nang makarinig ako ng isang hagalpak. Tunog ng mga librong nalalaglag sa sahig.
'Panira ng katahimikan.' Pero parang may mali eh.. Dahil curious ako, lumakad ako na nakatiptoe papunta sa kung saan ko naririnig ang hagalpak. Tumigil ako sa parteng enough na marinig at makita ko ang nangyayari
"Tama na please.." umiiyak na sabi ng isang familiar na boses. I knew it! I thought pa naman na walang mga impaktang pumapasok dito..
Mula dito sa kinatatayuan ko, behind the bookshelf kung saan isinasandal si girl ng isang tikbalang, I secretly observe what's going on.
"No!!! Di ba sabi namin sayo kapag hindi mo nilayuan si MiCo namin, torture ang aabutin mo?!!" galit na sabi ng matangkad na impaktang parang question mark and hugis ng katawan. Alam nyo ba kung bakit? Kasi mas labas ang likod at tiyan niya kaysa sa pwet at dibdib niya. Nakalimutan siguro niyang magsuot ng pads/silicon/botox. Hindi sa mapanglait ako, but I really can't help it. Lalo na that malaki ang attitude problem ng impaktang ito. Kasama niya ang dalawang kauri niya.
Walang kaawa-awa niyang sinasakal ang isang babae. Ang dalawang impakta niyang kasama, ay nagbabantay ata sa paligid.
"At ano bang pinakain mo kay Papa MiCo? Bakit lagi kayong magkasama?!" biglang nagsalita si impakta 2 na kanina pa lagay ng lagay ng kung anu-anong kolorete sa mukha. Oh my God! Pupunta ba siya ng Circus?!
Hindi ko lubos makita ang mukha ni girl kasi naka sideview siya. Pero base sa nakikita ko, she's got a good body figure. May ibubuga siya kasi makinis naman ang balat niya. Yun nga lang mukha siyang teacher dahil sa itsura niya. Isa siyang nerd at hindi siya marunong manamit. Nerd na kapag imakeover magiging alikabok nalang niya ang mga impaktang nambubuly sa kanya.
Pero bakit may narinig akong pangalan ni MiCo? Is that impakta referring to the Son of the Owner of this Academy? Si
"Pero hindi nam-"
'That girl... She's so familiar. Her voice is really familiar'
"Sasagot ka pa huh?!!!" the impakta 1 cut the girl sabay sabunot sa buhok nito. Nalaglag ang salamin ni girl sa sahig. Tinapak-tapakan ito ni impakta 3. Damn!!!
"Tama na please. Hindi ko alam ang sinasabi nyo." pagmamakaawa ni girl.. ting.... It's Angella.. Tama.. Ang babaeng pinagtanggol ko noon sa loob ng Witch Boutique.
Is this a sign na pinagtatagpo talaga kami ng tadhana? Baka siya na ang matagal ko ng hinihingi kay Lord na magiging kaibigan ko.
Kaya naman lumabas ako at sinugod ang tatlong impakta.
"Hoy!!" Sigaw ko pero hindi masyadong malakas. Enough na hindi maririnig ng School librarian.
Thanks for reading!
Authors Note:Please do VOTE, COMMRENT, SHARE and FOLLOW me!
This story is originally made by: Rosemarie Sabanal (TheIceCreamCandyGirl).
![](https://img.wattpad.com/cover/20261289-288-k242965.jpg)
BINABASA MO ANG
The Long Forgotten Love (Slight SPG! On Going)
Mystery / Thriller"NaBURA ka man sa UTAK ko, ni-RESTORE ka naman ng PUSO ko!" Hindi inakala ni Alexandra Loraine Ducaine (Alex) na ang lalaking minamahal niya ngayon ay ang lalaking minamahal niya pala noon. Christopher Kyle Anderson is The Long Forgotten Love of he...