TLFL 47: Meet Mae

1.7K 178 4
                                    

Chapter 47

Mae's pov

Nagulat ba kayo sa biglang pagsulpot ng character ko?! Oh well pasensya na kayo ha.. Kadadating ko lang kasi from abroad eh. Gusto ko sanang magpakilala ng pormal pero di pa pwede eh. Kailangan ko munang tapusin ang task ko. Pero promise, ako yung klase ng tao na makakasundo niyo. Magugustuhan niyo ang presence ko.^_____^. Pwera nalang kung isa kang babaero. Hindi talaga tayo magkakasundo.

Nang tuluyan ng makaalis si Ate Alex dito sa Mansyon ay agad kong kinuha ang cellphone ko na nasa bulsa ng uniform kong pang maid.

Dialling Tita Crystal...

[Oh Mae... Ano na? Kumusta na si Alex?]

"Ayun Tita... Awang-awa ako sa kaniya. Kanina pa iyak ng iyak. Lalo siyang naiyak nang malaman niya ang nangyari kono kay Kuya. Hindi ko alam kung paano niya nalaman basta't nalaman lang niya. Paniwalang paniwala talaga siya na isa akong katulong. Gustong gusto ko sana siyang yakapin para icomfort pero di ko ginawa. Baka makahalata siya sa acting ko."

[Hay.. What to do?! Utos ng magaling mong pinsan. Naaawa man ako kay Alex pero wala akong magawa. If it's the only way na magkaayos sila.]

"Ibang klase magpakulo si Kuya Chris Tita no?"

[Ay sinabi mo pa. Nagmana sa Tito Christof mo eh.]

"Pero alam mo Tita, tama nga kayo ni Kuya. She really looks like Ate Mary. Ah no.. She is really her. Mas lalo lang siyang gumanda. I guess I've made the right decision to come home here."

[I told you. Well akala ko talaga nung una nagbibiro lang ang Kuya mo. Pero nang nakaharap ko na si Alex, halos mabato ako sa kinatatayuan ko nun. I could even picture that awkward scene. Nasaan na nga pala siya ngayon Mae? Si Alex nasaan na siya?]

"Ay yun nga pala ang itinawag ko.. hehe.. Papunta na po siya dyan Tita.."

[Talaga? Kanina pa ba siya nakaalis?]

"Mga 10 minutes na siguro Tita.."

[Ah ok...Ohhh mga Iho maghanda na kayo.. Papunta na daw dito si Alex.. Ayusin nyo ang pag-arte nyo ha... YES TITAAA!!!] - Ouch.. I think my precious ear just bleed.. tsk.. Kung makasigaw kasi.. Nailayo ko phone mula sa aking tenga pero ibinalik ko naman ito agad sa tenga ko.

[Hello Mae.. Still there Iha?]

"Yes Tita.. Mae still here."

[Pasensya kana Iha ha.. Kadadating mo lang yesterday from New York. Ito kaagad ang naabutan mo.]

"Ay naku Tita.. Don't worry about me. Okay lang po ako. Sana po magkaayos na sila ni Kuya Chris. Pero Tita, curious lang ako ano bang nangyari last night?"

[Hindi ko din alam kung ano ang buong pangyayari Iha. Basta't inihatid lang nila kagabi si Alex na lasing sa Mansyon. Tapos nalaman ko nalang na nagpabugbog ang Kuya Chris mo.]

"Pag-ibig nga naman.. Lahat gagawin..Alam mo Tita, base sa mga observations ko kay Mary I mean kay Alex kanina, hindi talaga siya mapakali. Hinahanap-hanap niya si Kuya Chris. Sa tingin ko mahal na mahal niya talaga si Kuya."

[No Mae.. Mahal na mahal talaga nila ang isa't isa..]

"Kung siya kaya talaga si Mary, ano pala ang nangyari sa kanya noon? Ang nalaman natin, namatay siya."

[Hay maski ako din Iha ay naguguluhan. Chris is still working on with the investigation.]

"Sana iisa lang sila Tita.. Kasi miss na miss ko na si Mary. Ang best friend ko."

[I know dear.. Naaalala ko pa noon.. Isa ka nga pala sa naging bridge nilang dalawa.]

"Oo nga Tita eh.. Ahhhmm Tita.. Pwede ba akong pumunta dyan sa Hospital mamaya? Nakakabored din kasi dito sa mansyon.."

The Long Forgotten Love (Slight SPG! On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon