Chapter 10
MiCo's Pov
Maaga akong pumunta dito sa Academy. At ngayon nangdito ako sa Dean's Office. Iniisip ko kung ano ang dapat kong gawin.
May ipinapagawa kasi sa akin si Daddy. Kung naalala nyo pa si Alex.. Ang babaeng malaMEGAPHONE makasigaw. Akala ko nga mabibingi na ako eh.. Gusto ni Daddy na tulungan ko pa rin siya sa paghahanap ng mga rooms niya. Yeah... Dad said she'll be here today. Ang totoo nahihiya akong harapin siya because I kinda feel responsible about what happened to her. Lalo pa't ako ang sinisisi niya sa nangyari.
Nalaman ko kasi mula kay Kuya Nathan na dahil sa pagtawag ko nadulas siya sa isang lantang mangga. Hindi niya nailagan dahil sa pagtawag ko.
Pero buti nalang yun lang ang nangyari sa kanya at ok lang daw siya. Dahil pagnagkataon na higit pa dun ang nangyari, I would really feel more guilty. Oo kahit tinagurian nila akong Mr. Cold sa paningin nila, marunong akong maguilty.
Kinakabahan ako sa paghaharap namin ni Alex. Kailangan ko na nga sigurong siguraduhin na matibay tong tenga ko. Dagdag mo pa si Dad na hindi ako binigyan ng kahit isang letrato manlang ni Alex.. Yeah I have no idea of what she looks like.. Sabi lang ni Dad.., mystery quest ko na daw alamin kung asan si Alex sa mga babae dito sa Campus.. If I know Dad is just making fun of me. Now she's using Alex para mapilitan akong lumapit sa iba't ibang girls dito sa Academy. Alam niya kasi na mailap ako sa mga babae. Kung alam lang niya na kaya ako mailap sa mga babae dahil may minamahal na ako. At yun ay walang iba kundi si Angella.
Speaking of her I've been texting her a couple of times now. Pero ni isang reply wala akong natanggap mula sa kanya. Gusto ko sana siyang isama sa paghaharap namin ni Alex. Pero eto nga wala pa siya. Wala pa nga ba siya? O baka dinideadma lang niya talaga ako. Galit pa rin siguro siya dahil sa ginawa ko kahapon. Kung ano man yun sa amin na muna yun ni Angella ko..
'Hay naku.. Ano nga ba ang dapat kong gawin?' sabi ko sa aking isipan at nagbuntong hininga. Sakto namang nagvibrate ang phone kong nasa bulsa ko. Sino kaya to? Baka si Angella na.. Tinignan ko ang aking phone..
Part of me ay biglang nanlumo dahil hindi si Angella ang nagtext. But at the same time part of me ay biglang nabuhayan ng loob dahil may solusyon na ako sa problema ko.. Kailangan ko lang naman ng kasama para harapin si Alex.. Pawala ng awkwardness ba..
From: Chris
0939xxxXXXX
-Pre.. Parating na ako diyan sa Academy. Kita tayo. Text ko sa kanya.
To: Chris
0939xxxXXXX
-Ok Pre.. pero pwede bang matulungan mo akong hanapin si Alex?
From: Chris
0939xxxXXXX
Sinong Alex?
To: Chris
0939xxxXXXX
-Only daughter ni Mr. Alexander Ducaine na kaibigan ni Daddy. Transferee dito sa Academy at kailangan ko daw tulungan sa paghahanap ng mga rooms niya. Tapos tour daw sa buong Academy.
From: Chris
0939xxxXXXX
-Sigeh Pre.. Hindi naman siguro tayo mahihirapan dyan.
To: Chris
0939xxxXXXX
-Hindi ko alam pre.. Pero sa tingin ko magkakaproblema talaga ako sa kanya lalo na ngayong nalaman ko mula sa kuya niya na hindi niya totoong kuya, na galit daw siya sa akin..
BINABASA MO ANG
The Long Forgotten Love (Slight SPG! On Going)
Mystery / Thriller"NaBURA ka man sa UTAK ko, ni-RESTORE ka naman ng PUSO ko!" Hindi inakala ni Alexandra Loraine Ducaine (Alex) na ang lalaking minamahal niya ngayon ay ang lalaking minamahal niya pala noon. Christopher Kyle Anderson is The Long Forgotten Love of he...