Chapter 32
Chris POV
Nangdito na kami ngayon ni Slowie sa tapat ng pinto ng Condo niya. No scratch that, I mean kanina lang kami dito. Nasa likod niya ako and what's really bothering me right now is her deafening silence. Hindi niya ako kinikibo. Nakatayo lang kaming dalawa na parang mga estatwa. Galit kaya siya sa akin? Kung galit siya, may kinalaman kaya dito ang nangyari ngayong araw? May kinalaman kaya ang pagdating ni CyMer? At sino ba talaga si CyMer sa buhay ni Slowie ko. Magkaibigan lang ba talaga sila o dati silang nagkaibigan.
Damn!!! I must do something to break this nerve freaking silence. May plano pa naman sana kaming gagawin ngayong gabi.
Lumakad ako palapit kay Slowie. Tapos walang dalawang isip kong iginiya ang mga kamay ko sa bewang niya. I hugged her from behind and rested my chin on her shoulder. Medyo nagulat siya sa ginawa ko pero hinayaan naman niya ako.
"What's the matter Slowie? Bakit ang tahimik mo? Please tell me. May nagawa ba akong mali o bagay na hindi mo nagustuhan? Please tell me Slowie ko. Kasi hindi ko kayang hindi mo ako kinikibo." I whispered to her. Ilang sandaling katahimikan parin. Bago siya nagsalita, naramdaman kong huminga siya ng malalim.
"Nothing Smirk. Pagud lang ako."
"Dahil ba sa pagdating ni CyMer?"
"No Smirk. Pagud lang talaga ako."
"Sigurado ka?"tanong ko.
"Oo Smirk. Naghagisan kasi kami ni Angella kanina ng mga throw pillows sa 7D Mansion/mini Castle. Kaya siguro napagud ako."
Panira ng plano si Angella. Pinagud niya si Slowie ko. Tuloy wala ng energy si Slowie.
"Ok so I guess hindi mo ako patutuluyin ngayon?" Tanong ko. Umiling-iling lang siya.
"So hindi na matutuloy yung napag-usapan natin?"
"Siguro nga hindi na muna Smirk." Sabi niya at umalis sa mga bisig ko. Pero nagulat ako sa sunod na ginawa niya. She dangled both her arms on my neck.
"Wag kang mag-alala Smirk ko. Marami pa tayong panahon para gawin yun. Like hello! It's not the end of the world." sabi niya habang nakatunghay sa akin. Damn!! Her eyes are so exquisite.
"Ok. May point ka nga naman. I guess I'll just let you rest now. Pero bukas ng gabi ituloy natin ang napag-usapan natin Slowie ha. Tyaka dapat full energy ka kasi buong magdamag nating gagawin yun."
"Opo. Kaya alis na. Pero teka, ano ka mo? Buong magdamag?!! You're not serious right?!"
"I am damn serious Slowie!"
"Wala naman akong problema kung buong magdamag Smirk. Kaya lang kung bukas natin gagawin yun, kinabukasan wala na tayong energy para pumasok ng Academy."
"So?"
"So I suggest we should do it on Saturday. Kasi kinabukasan wala tayong pasok."
"Ok pero bukas gagawin parin natin yun. Hindi nga lang buong magdamag?" sabi ko.
"Addict ka ba Smirk?!!" At bigla siyang lumayo sa akin.
"Oo eh."
"Abah, at mukhang proud ka pa ah!"
"Yeah well I'm proud to say I'm ADDICTED TO YOU Slowie ko."
Pagkasabi ko ay parang bigla siyang namula at napakagat labi.
"Uy, namumula ka Slowie ko oh." Pang-asar ko.
"Che!!! Hindi ah!!" Sabi niya at inirapan ako sabay talikod.
BINABASA MO ANG
The Long Forgotten Love (Slight SPG! On Going)
Misterio / Suspenso"NaBURA ka man sa UTAK ko, ni-RESTORE ka naman ng PUSO ko!" Hindi inakala ni Alexandra Loraine Ducaine (Alex) na ang lalaking minamahal niya ngayon ay ang lalaking minamahal niya pala noon. Christopher Kyle Anderson is The Long Forgotten Love of he...