Chapter 43

115 10 0
                                    

Habang tinutulungan ko si Yuwi sa paghuhugas ng mga pinagkainan kanina, rinig na rinig mula rito sa kusina ang ingay na nanggagaling doon sa living room. Naroon silang lahat, abalang naglalaro.

Nasilip ko pa mula rito na naglalaro si Alec, Magi at Warren ng video games. And the others are on the floor, playing cards. Gusto ko nga sanang sumali kaso bukod sa hindi pa kami tapos ni Yuwi rito sa pagliligpit, wala rin akong alam sa mga nilalaro nila.

I have no idea how to play any kind of video games, pati na rin ang paglalaro ng iba't ibang klase ng cards, or ng kahit ano.

It was just me… sobrang boring ng childhood. Isa na rin sigurong factor kung bakit nasasabi kong boring ang childhood ko ay dahil wala akong kapatid. Wala kong kalaro kaya lumaki akong walang kahit anong laro ang alam. 

"Ako na ang bahalang magpunas nito. Samahan mo na sila roon," utos ko kay Yuwi habang abala akong pinupunasan ng tuyo at malinis na basahan ang mga plato.

"Nakakahiya naman sa iyo. Artista ka tapos hahayaan lang kitang gumawa ng gawaing-bahay."

I giggled. "Hindi excuse ang pagiging artista ko para hindi ako magluto, maglaba o maghugas ng plato. Why do people set their mindset like that… thinking that a famous artist should not be inclined doing any kind of household chores?" 

"Kasi 'pag artista… tamad." Tinawanan niya lang ako. "Joke lang 'yon, ah? Baka ma-offend ka," he defended.

"Ang mga artista kasi, ang dami nilang pinagkakaabalahan kaya iniisip ng iba na wala na silang oras para matutong magluto, maglaba o maghugas ng plato. Lalo na 'yong mga artistang lumaki sa mayaman na pamilya, o kaya 'yong mga artistang bata pa lang ay lumalabas na sa TV. Pwede rin 'yong mga artistang anak ng artista, gano'n." 

Hmm, oo nga naman. Kaibahan ko kasi sa mga binanggit ni Yuwi, kahit na lumaki ako sa, hindi man mayaman pero hindi rin naman mahirap na pamilya, tinuruan naman ako ng mga magulang kong maging responsableng tao at anak nila.

Because at the end of the day, acquiring a knowledge of how to do household chores will be a great advantage to those who do not. Lamang lagi ang may alam.

"Well said," I said laughingly.

"I just wonder…" Habang sabay kaming nagpapatuyo ng mga plato, nagsalita ako. "Have you ever experienced crying your heart out while writing your name on a clean paper 50 times?" 

"Hindi kami pinagawa ng ganyan ng teacher namin."

Napatango ako. "Ako kasi ay naranasan ko. I just want to share one of my childhood memories, kung saan iniyakan ko talaga 'yong teacher ko no'ng kinder."

"Pinagsulat ba naman kami ng pangalan namin sa isang one whole sheet of paper. Buong pangalan namin, with middle name, tapos 50 times namin isinulat sa papel. E, since bata pa ako no'n, naiyak na lang talaga ako dahil sa ngalay kasi nakakasampo pa lang ako, pagod na 'yong kamay ko."

"Gaano ba kahaba ang pangalan mo?"

"Mary Irene Bernadette Trenchera Desiderio." I suddenly winced my head. "Imagine, you're writing that name and have to repeat it 50 times, 'di ka maiiyak no'n?" 

"Nakakaiyak nga 'yang sinapit mo, Corrine." Ikinagulat ko nang tapikin niya ang braso ko. "Nalulungkot ako sa pinagdaanan mo. Sana maka-recover ka." 

"Siraulo!" natatawa kong itinulak siya papalayo sa akin. "Ikinwento ko lang naman 'yon para hindi awkward 'yong atmosphere… hanggang sa matapos tayo rito sa pagpapatuyo ng mga plato."

And now, we finished drying the plates nang 'di ko namamalayan. 

"Hmm, na-appreciate ko naman 'yong effort mo na gumawa ka pa talaga ng pag-uusapan nating dalawa para lang hindi maging awkward ang paligid. Mukhang nabanggit na ni Eli sa iyo na hindi ako gano'n kadaldal na tao, boring pa akong kausap." 

Euphoria: Dosage of RhapsodiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon