Chapter 23

265 31 0
                                    

Ganito ba talaga siya kung itrato ang new employee niya? O baka naman sa akin lang siya ganito? I mean, ang special ko naman kay Israel para bigyan pa ako ng kape. 

Napasadahan pa ng mata ko ang nakadikit na sticky notes sa cup... 'Good morning, gorgeous!'

Hala, bakit naman gano'n? Parang pinutakte ng paruparo ang tiyan ko ngayon. If I'm not mistaken, kapag ganitong parang nililipad ng butterflies ang tiyan ng isang tao, it means kinikilig siya, 'di ba?

Sino ba naman kasing hindi kikiligin kung tinawag kang 'gorgeous', 'di ba? Feeling special ba ako or sadyang special lang talaga ako for Israel? Does this mean naaalala niya na ako?

"Thank you for this, Sir Israel! Ang thoughtful mo talaga as always!" 

Nawala ang atensyon ko sa tinititigan kong sticky notes nang marinig ko ang sinabi ni Cindy. I gradually glanced at her, she's also holding the same cup of coffee that I received from Israel. Gano'n din sina Harvey at Jenny.

"Cindy, pwedeng patingin n'yan?" Lumapit ako kay Cindy para tingnan 'yong cup of coffee na hawak niya.

"Sure."

Nang silipin ko ang nakadikit na sticky note doon, gano'n din ang nakasulat. Kung ano'ng nakasulat sa sticky note na natanggap ko, gano'n din ang nakasulat sa sticky note na natanggap ni Cindy, pati na rin ni Jenny. Habang kay Harvey naman, word na 'handsome' ang nakasulat.

Okay, feeling special na ako. I thought ako lang ang nakatanggap ng kape at ng sticky note na 'yon... but my thoughts gone wrong. I have this tiny hope that after Israel gave me that cup of coffee, akala ko bigla na lang siyang gumising na naaalala niya na ang lahat. Umasa ako na naaalala niya na ako, kaso hindi pa rin pala.

Mapait akong napangiti bago bumalik sa table ko. Hindi na talaga ako nadala. How many times do I have to hurt myself from being disappointed because of expectations? I'm so sick of this, lalo na sa inaakto at nararamdaman ko ngayon.

Why am I still hoping na maaalala pa ako ni Israel? Do really actions speak louder than words? Sa ikinikilos ko kasi ngayon, parang gusto ko pa ring umasa kay Israel.

"Corrine, okay ka lang?" Inilapit ni Jenny ang kanyang upuan sa tabi ko, marahil napansin niyang ang lalim ng iniisip ko. "Pwede mo naman sabihin sa amin kung hindi ka comfortable sa ayos ng table mo ngayon. If gano'n man, aayusin ko 'yan mamaya-"

"It's not that." I hummed softly. "Whatever things that keep bothering my mind, it's not related here. Don't worry, okay lang naman ako."

"Sure ka ba? Baka kasi masyado ka nang nabibigatan sa work mo ngayong first day mo, pwede ka naman namin tulungan."

"I said I'm fine."

Hindi ko rin in-expect na magiging galit ang tono ng boses ko. Buti na lang at hindi na ako kinulit pa ni Jenny. Bumalik na lamang siya sa pwesto niya't binigyan ako ng space na kailangan ko talaga ngayon. Alam kong napasobra ako sa part na nagpadala ako sa emosyon at medyo iritado ang pagkakasabi ko kay Jenny no'n, maybe I should apologize to her later.

"Cin, is there any updates sa pinagtanungan mo na resort? Available daw bang i-rent 'yong resort?" It was Harvey who's talking a little higher volume from his seat para marinig 'yon ni Cindy.

"They're still not responding to my email. Sinubukan ko rin tawagan 'yong hotline number na posted sa website nila, ang lagi naman sagot sa akin ay hintayin ko raw tumawag sa akin 'yong manager ng resort."

"Hanggang ngayon, hindi ka pa rin tinatawagan?"

"Wala akong natatanggap na call. Almost two weeks na rin akong naghihintay, e. Humahanap na lang ako ng ibang resort na pwedeng tanungan, syempre suited roon sa request ng bride and groom."

Euphoria: Dosage of RhapsodiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon