Chapter 5

453 41 2
                                    

"Ano'ng ginagawa mo rito, Irene? Dito ka nagtatrabaho?"

Nabalik ako sa wisyo nang lapitan ako ni Magi, nakatingin siya sa akin habang abot-tenga ang ngiti.

"A-Ah." I stammered. "D-Dito ako nag-o-OJT... Sa resort na ito."

"What a small world!" Delancy exclaimed. "Pagmamay-ari nina Eli ang resort na ito kaya kami nandito ngayon."

"E-Eli?" I asked, amused. "Y-You mean, Eli Dela Peña? Kaibigan niyo rin siya?"

"Yes," Magi replied. "He's on his way na raw kaya mayamaya lang, makikita mo na siya. As of now, kami-kami lang ng mga boys ang narito." Pointing at those men on the pool.

Sinundan ko ng tingin ang mga tinitingnan ni Magi... But I was scared to death nang magtagpo ang tingin namin ni Israel. Hindi na ako ulit magtatanong kung obvious naman na ang sagot.

Dahil malamang, kaya nandito rin si Israel ay dahil friend rin siya nina Magi.

Indeed, what a small world.

"Kilala mo sila, Magi?"

Isa-isa ng umahon 'yong kaninang grupo ng mga lalaki na naglalaro ng bola sa pool, 'yong mga lalaking isang minuto ko rin natitigan dahil sa nakakaakit nilang mga abs.

"Ahh, yeah!" Magi replied.

"Long story kung ikukwento pa namin kung paano namin nakilala si Irene," sambit naman ni Delancy, she looked at me then smiled. "One thing I can assure to all of you... She's nice. And so, she became our friend."

Nabigla ako sa description ni Delancy sa akin, mas lalo sa sinabi niyang kaibigan na raw nila ako ni Magi. Hindi ko ma-explain 'yong tuwa ko once I hear those words from her tongue.

Ang saya lang sa pakiramdam na may kagaya nila that willing to flex me as one of their friends.

"Kilala mo pala sila?" pabulong na tanong sa akin ni Harold, ako naman ay abala na ibinababa ang hawak kong tray sa table.

"Mahabang kwento," pabulong ko ring sagot sa kanya.

"Hindi lang siya mukhang nice," sabi ng isang lalaki habang abalang pinupunasan ang kanyang buhok.

"Maganda rin."

Grabe naman 'yong mga compliment na natatanggap ko sa kanila, baka naman biglang ikalaki ng ulo ko 'yan!

"Distansya bro," biglang pagsingit ni Israel.

Sinulyapan ako sandali tiyaka bahagyang ngumisi. "Kung ayaw mong ambulansya ang maghahatid sa iyo sa huli mong hantungan."

"Kilala mo rin siya, Israel?" tanong naman no'ng isa pang lalaki.

"Siya 'yong ikinukwento ko sa inyo," sagot niya. "Nililigawan ko siya."

"Ayos! Pwedeng-pwede pang agawin," tumatawang sabi no'ng nagsalita kanina.

"Tropa tayo, Yuwi. Walang sulutan," sabi ni Israel, nilingon niya ako at sa pagkakataon na ito, he flashed a gorgeous smile at me. "Patutunayan ko sa inyong kaya ko ring magpakatino."

Natutuwa namang tinapik ni Dylan ang balikat ni Israel. "Totoo ba 'yan, bro?"

Isang lalaki naman ang biglang lumapit sa akin, nakakapagtakang sinisipat niya ang buong katawan ko.

"Waistline ay 29," aniya. "Maganda rin ang kurba ng pwet mo, makinis ang kutis at--"

"What are you doing, Harris?" asked Magi, looking irritated sa ginagawa no'ng Harris sa akin.

"Kinikilatis ko lang!" Umirap ito kay Magi bago ibalik ang tingin sa akin. "Ang sexy mo, huh? Vegetarian ka, 'no?"

Hindi ko nagawang makasagot sa kanya dahil sobra akong nawi-weird-uhan sa mga ginagawa niya sa akin. Ganito ba talaga ang lalaking ito? O baka sa akin lang?

Euphoria: Dosage of RhapsodiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon