PROLOGUE

1.1K 52 3
                                    

In the midst of darkness, someone hooked me out of that shitty place. Noong mga panahong akala ko ay tinalikuran na ako ng mundo, I can’t imagine I could find solace in his company… not until an episode happen.

Hindi ko lubos maisip na ang saya na nararamdaman ko ay panandalian lang. Matapos niya akong iahon sa kalungkutan, muli niya na naman akong ibinaon.

He’s the only person who pushes me to pursue my dream… he taught me that I’m a worthy person and that I also have the freedom to fulfill my objectives in life.

Naabot ko ‘yong pangarap ko… nakalulungkot lang dahil hindi niya ‘yon inabutan.

“Are you even serious? Pwede naman akong sumabak sa taping kahit hindi ko na-e-experience ang pagiging wedding coordinator! So, what’s the use na mag-trabaho ako for 1 month para lang doon?”

“You’re the actress here, Corrine. You should be knowledgeable enough tungkol sa role na gagampanan mo.

Tiyaka para na rin naman ito sa ikagaganda ng series. Malaking advantage para sa iyo if you experienced being a wedding coordinator… para mas magampanan mo nang maayos ‘yong role.

Experience is the best teacher. So, how would you be able to portray Alicia’s role if you don’t want to put your feet in hers?”

I rolled my eyes. “As if I have a choice,” sambit ko. “Saan ako mag-t-training?”

“We’ll go with you to introduce you to the team.”

Mula sa masarap na pagkakaupo ko sa sofa, my manager, Theo, forced me to stand up para magpunta sa workplace… that soon to be my workplace, also.

For one month lang naman kaya titiyagain ko na lang. Gusto ko rin namang ibigay ang best ko para sa ikaapat na series na tinatrabaho ko.

My first three series kasi ay supporting role lang ang hawak ko, pero nagsimula ako sa pagiging extra… and sa series na ito, nabigyan ako ng chance para hawakan ang lead role.

Hangga’t maaari ay gusto kong maging mahusay ang pagkakaganap ko sa role ni Alicia as a wedding coordinator. In that way, makukuha ko ang tiwala ng mga viewers pati na rin ang kanilang suporta.

Hindi bale ng mahirapan ako… isang buwan lang naman.

Nang tuluyan kaming makarating sa building, dumiretsyo kami sa isang medyo may kalakihan na office.

WEDDING TEAM QUARTERS. Basa ko roon sa nakasabit sa may pintuan ng office. Kaya pala medyo may kalakihan ‘yong office ay dahil sa loob din noon ang office ng siguro ay team leader nila.

Luh, bakit may gano’n?

“Hi, Miss Corrine!” pagbati sa akin no’ng isang babae na nadatnan namin sa loob ng office.

She’s not alone… may kasama siyang isang lalaki at isa pang babae. And they are all tossing their gaze at me.

Bilang sagot, I flash a small smile on my face.

“Allow me to lead the way.” Isang lalaki ang nag-approach sa amin sa loob, magalang na pinaraan kami upang papasukin sa office ng lider ng Wedding Team.

“They’re here, sir.”

Ang kaninang nakatalikod na lalaki na inabutan namin sa office ay dahan-dahang humarap… binigyan ako ng pagkakataon na masilayan ang kanyang mukha.

“It’s my pleasure to work with you soon, Miss Corrine.” As he finally reached me, he offered his hands for a handshake.

“Buhay ka… Israel?”

His forehead creased. “Pardon? What are you talking about?” He hummed a little. “I’m quite amused that this is our first time meeting each other… yet you already know my name.”

Naguguluhan ako… Teka. Bakit hindi niya na ako naaalala? Totoo ba itong nakikita ko o baka panaginip lang?

“Naikwento kasi kita sa kanya habang nasa biyahe kami. Kaya alam niya na ang pangalan mo,” my manager politely answered.

Habang ako ay nakadikit pa rin ang tingin kay Israel, halos hindi ko mapaniwalaang buhay siya’t masiglang nakatayo sa aking harapan.

I should be happy to know that he’s alive… but how? How could I be able to smile back at him when in fact, he no longer recognized who I was?

Tuluyan na nga bang nakalimutan ng kanyang isipan ang nakaraan?

Euphoria: Dosage of RhapsodiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon