Chapter 15

355 36 0
                                    

Naubos na’t lahat ang tao sa venue, ngunit kami ay narito pa. Gusto ko ngang umuwi na rin ng bahay para makapagpahinga na ako kaso ayaw naman akong payagan nina Delancy na umuwi.

The reason why? Ewan ko ba sa mga ‘yon.

“Again, congratulations to the both of you. We all know throwing this elegant engagement party really reduces your energy, and that both of you exert effort para hindi ‘to mag-fail. You accomplished it naman, seeing those visitors happy for the both of you,” uttered by Alec, wearing his close-mouthed smile.

“Of course, we’re all happy seeing both of you ended up together. Naunahan n’yo pa akong magpakasal,” he added.

“Partida hindi pa ikaw ang pinakamatanda sa atin pero naunahan ka.”

“Hindi namin sinasabi ni Israel na si Harris ‘yong tinutukoy namin, huh?”

“Ah, talaga ba, Eli?” Nag-react na nga si Harris na kanina ay nananahimik habang nakikipag 1v1 sa pag-inom ng wine kay Yuwi at Warren.

“Masama ba kung sa gan’tong edad ko, e wala pa akong girlfriend? Wala akong nakikitang masama roon, kasi ikaw nga wala ka rin naman jowa pa. Pareho lang tayo, ano ba!”

“Huwag n’yong sabihin na pagtatalunan n’yo pa yan dito?” si Magi ang nagsalita, sinusubukang awatin ‘yong tatlo.

“Okay lang naman ako kahit walang girlfriend… ‘wag n’yo lang ako iinggitin palagi para hindi ako maghanap.” And then he glanced at Magi. “Please, sa livestream ko na lang panonoorin ang kasal n’yo ni Dylan. Tutal videographer naman itong si Eli, siya na bahala sa livestream.”

“Gago ka, lasing ka na ba agad? Wine lang ‘tong iniinom natin, huh?”

“Huwag ako ang intindihin mo, Warren. Yan dapat si Delancy ang intindihin mo, kanina pa tahimik!”

“May naiisip lang kasi ako,” Delancy defended. “Uh, since maaga pa naman para umuwi--”

“Wala ka bang relo, Delancy? Alas-nuebe na kaya.”

“Maaga pa naman ‘yon, Yuwi,” sagot nito. “Gusto ko lang sanang sulitin natin ang araw na ‘to na magkakasama tayo. What if we used the time to enjoy?”

“Ano ba ‘yang ideya mo?” asked Dylan.

“Gan’to ang gagawin natin…” She motioned us na magtabi-tabi at lumapit sa kanya upang mapakinggan nang maigi ang sasabihin niya. “Dahil sampo tayo ngayon, we’ll divide it into two groups, each with five members.”

“Madali lang naman ang gagawin, parang pass the message lang pero ang kaibahan nito, may headphones na nakakabit sa tenga n’yo. Halimbawa ay si Warren ang bibigyan ko ng word tapos ipapasa niya ‘yon sa ka-team niya, he will mouthed the word para hulaan ng kagrupo niya na may suot na headphones.”

“Of course may music para hindi niya mapakinggan ‘yong word na pinahuhulaan. And he will pass the word on to the next member until it reaches the last member para sabihin ‘yong pinapahulaan na word. Ang team na pinakamabilis na humula ng word ay, syempre, may prize.”

“Paano akong ayaw sumali sa ganyan?”

“Bawal humindi, Yuwi. Huwag ka namang KJ!” asik ni Dylan.

“Let’s give it a try, guys. Minsan na lang natin magawa ito kaya sumali tayong lahat.”

“I agree with Magi.” Alec glanced at Delancy. “Paano ang hatian ng team?”

“Dahil ako ang nakaisip ng game, ako ang mamimili ng ka-team ko. At ‘yong mga ‘di ko mapipili, kayo ang magkaka-team.”

“Ang bias mo naman, Delancy! Paano kung ang piliin mo, e ‘yong alam mong magaling sa laro na ‘yan? Ang daya mo, mana ka kay Warren!”

Euphoria: Dosage of RhapsodiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon