Chapter 7

372 39 1
                                    

Mas lalong kumabog nang sobrang lakas ang puso ko matapos basahin ang text message ni Israel sa akin.

If he really wants to spend his time waiting for me outside, then maybe he's a man of his words. Pero ayoko siyang paghintayin sa labas nang magdamag o higit pa sa isang araw. Kailangan kong gumawa ng paraan para makalabas ako rito… At para mapuntahan ko siya.

I have this feeling that he has something important to say. He won't wait for me for nothing unless it's important.

"What should I do now?" natatarantang tanong ko sa sarili. Hindi ko na namalayang nakakagat ko na ang mga kuko ko sa daliri dahil sa sobrang taranta.

Muli akong sumilip at pilit tinatanaw si Israel sa labas ng gate namin. Nandoon pa rin siya, mukha siyang ewan doon na naghihintay sa akin na labasin siya.

Ngunit hindi pa man din ako nakatatagal na tanawin siya mula sa labas, sumabay bigla ang ulan at bumuhos nang malakas. Israel was empty-handed, seems like he has no idea na sasama ng ganito ang panahon ngayon.

Tumakbo ako patungo sa pinto ng kwarto ko at muling sinubukan na kumatok. "Tita! Pwede bang palabasin mo muna ako kahit sandali lang? Nakikiusap ako!"

"Parang awa n'yo na, palabasin n'yo na ako rito!"

"Ipinapangako kong hindi na ako gagawa ulit ng bagay na hindi n'yo magugustuhan! Pakiusap, bigyan n'yo ako ng pagkakataon para makabawi."

"Tita, please--"

"Nagmu-movie marathon kami ni Stacy, ang ingay-ingay mo! Abot na abot sa baba ang lakas ng bunganga mo!" rinig kong sigaw ni Tita na mukhang papalapit na sa kwarto ko.

"Tita, pakiusap. Palabasan n'yo na po ako rito. Promise, hindi na po ako magiging pasaway. Gagawin ko na lahat ng gusto n'yo at okay lang din sa akin na 'wag n'yo akong pakainin--"

Nahinto ako sa sinasabi ko nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto. Bumungad sa akin ang nakataas ang kilay na si Tita Gretchen.

"Gagawin mo lahat ng gusto ko?"

Sa pagkakataon na ito, nag-aalangan ako kung sasagot ako ng oo sa tanong niya. Pero dahil desperada na akong makalabas sa kwartong ito at mapuntahan si Israel sa labas, nilunok ko na ang natitirang pride na mayroon ako sa katawan.

Itinango ko nang dahan-dahan ang aking ulo. "K-Kahit ano, tita."

Napako ang tingin ko sa sahig dahil sa sobrang panlulumo na kailangan ko pang umabot sa ganito para lang makiusap sa kanya. I never thought I would be this desperate, seeing myself kneeling down at her just so she could do me a favor.

"Ibigay mo sa akin ang piggy bank mo." 

Dahil sa narinig ko, agad akong napaangat ng tingin sa kanya. "A-Ano pong sinasabi n'yo?"

"Don't try to fool me, Irene. Alam kong may nakatago ka pang pera na nakalaan para sa pinapangarap mong maging artista. Pero sorry ka na lang, nalaman ko ang tungkol doon kaya ibigay mo sa akin ang piggy bank mo."

H-How come she found out about that? Nakatago na nga 'yon pero nakita pa niya? 

"T-Tita, please…" Tuluyan na akong lumuhod sa kanya upang makiusap. "Kunin mo na ang lahat sa akin, 'wag lang 'yon--"

"Kung ayaw mong ibigay 'yon sa akin, edi 'wag. Mabulok ka rito sa kwarto mo--"

"Wait!" pagpigil ko sa kanya sa akmang pagsasara ng pintuan. "I-I will give it to you."

Labag man sa kalooban ko na ibigay kay Tita ang matagal ko ng pinag-ipunan, wala na rin akong ibang nagawa. Hindi ko inaasahang tatalikuran ko ang pangarap ko para lang sa isang lalaki.

Euphoria: Dosage of RhapsodiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon