"Si Eli ba 'yan?" Agad kong naibaba ang tawag nang magsalita si Papa mula sa likod.
"Oh... Manager ko, pa. May mahalaga raw akong appointment ngayon." Lumapit ako sa kanya and then kissed his cheeks. "Gotta go, pa. Tawagan mo na lang ako 'pag may kailangan ka. Love you!"
As soon as I went outside of the house, pumasok na ako ng kotse at dumiretsyo pauwi sa condo ko. Yeah, I have my own house naman na, kaya lang it's not the perfect time na tumira ako sa bahay na 'yon kasama si Papa. The location of the house is too far from my workplace, kaya ako nag-decide na kumuha na lang ng condo.
During my free time or if bakasyon ko naman, I'll go and be with my father, of course.
Going back to my conversation with Theo earlier that was cut short because of my father, natuwa naman ako sa ibinalita niyang nagtagumpay siya sa pinagawa ko sa kanya. I just asked my dearest manager to think of a better plan para mapasara 'yong salon ni Gretchen.
According to him, binayaran ng doble ni Theo 'yong taong inutangan noon ni Gretchen para itayo 'yong business niya. Theo pay that person para gipitin si Gretchen na bayaran na kaagad 'yong balance sa kanya nito or else, kukunin sa kanya ang salon.
Theo mentioned that 250k pa ang balance nito, but because Gretchen didn't have enough money, she then gave up her salon. At sa akin na mapupunta 'yon ngayon.
"Ano kayang magiging reaksyon niya once na malaman niyang ako ang bumili ng salon na pagmamay-ari niya?" I giggled upon realizing her reaction once she found out about that.
*****
"Nako, natutulog pa yata ang gwapo kong anak. Maupo ka muna riyan, hija," Tita Lea commanded me to sit on the sofa, habang siya naman ay umakyat sa taas para gisingin daw si Eli.
Bigla ko lang naisip na bago umuwi ng condo, e gusto kong makumusta sana si Eli. Tiyaka na-miss ko rin kasi magpunta rito sa bahay nila kaya napadaan na ako. Of course, Tita Lea was the one I really wanted to see right now. And when I finally did, parang gusto ko na umuwi.
Just kidding.
Ang tagal na rin yata noong huling punta ko rito. Si Eli naman kasi ay may sarili rin siyang condo unit kaya kagaya ko, madalang lang din siyang nauuwi sa bahay nila.
"What time is it, ma?"
"Magtatanghalian na, Elias! Bumaba ka na riyan at may naghihintay sa iyo rito sa baba!"
"Sabihin mo na lang na hindi ako tumatanggap ng bwisita ngayon-"
"Bumaba ka na sabi!" At nang tuluyang makababa si Tita Lea ay dumiretsyo siya sa living area at naupo. "Hindi ko kasi sinabi sa kanya na ikaw 'yong naghihintay sa kanya kaya siguro ay tamad na tamad siyang bumangon."
"He never changed."
"I did it on purpose," Tita Lea blustered. "Let's enjoy seeing how embarrassed he will be later." She then chuckled before going to the kitchen.
Napailing na natawa na lamang ako sa kanya. Among all the mothers in the world, I might say Tita Lea is one of a kind. Kadalasan kasi sa mga nanay ay sobrang seryoso sa buhay, madalang kung makabiruan ang mga anak at workaholic. Si Mama nga ay masasabi kong nakakabiruan ko minsan, but she's too focused sa pagtatrabaho.
However, Tita Lea was different. She's so jolly, likes joking and playing around, at minsan nga ay kakuntsaba ko siya sa pampa-prank kay Eli. And maybe that's the thing I missed visiting this house. Those good old days that I hope will happen... more often.
"Corrine, ikaw 'yong bisita ko?" Nawala sa pagiging lutang ang isip ko when Eli just arrived at their living room.
"Unless may nakikita ka pang iba na nandito ngayon na hindi ko nakikita..."

BINABASA MO ANG
Euphoria: Dosage of Rhapsodies
Teen FictionLOVE YOURSELF: THE SERIES 2 For long years of moving on from the death of her first love, Corrine finally find the courage to open her heart again. She thinks she has moved on... not when one day, her first love came back to her life.