Chapter 35

163 11 0
                                    

"What the hell are you thinking, Eli?" mariing bulong ko. Pilit kong hininaan ang boses ko para hindi mapansin ng ibang tao na nasa loob na may tensyon ng nagaganap sa pagitan namin ni Eli.

I just can't help but feel infuriated with him for making a decision without my consent.

"Let's talk outside." He then held my hand and dragged me outside of the room. Nang makalayo-layo kami roon ay binitiwan niya na ang kamay ko at kinausap. "If you think I made a selfish decision for pairing you to Israel, it's not like that."

"Then what's the meaning of this?!"

"Corrine..." He reached for my hand and held it firmly. "I included as part of the concert that we were performing a hip hop dance because the fans kept requesting that throughout social media. I promise them to grant their wish, kaya lang hindi ko naman inaasahang mangyayari sa akin ito... na  ma-i-injured ako."

"Kaya wala akong choice." His eyes fall down the floor. "Kahit na labag sa kalooban ko to pair you with him, as if I have a choice. I already promised the fans that they will saw you perform at my concert. Hindi ko 'yon pwedeng bawiin."

"Pero... bakit hindi mo agad ako sinabihan na may balak kang maging part ako ng concert mo? Bakit ngayon mo lang sinabi?"

"It's because I want to surprise you." His voice almost broke. "Kaso ako 'yong na-surprise imbes na dapat ikaw."

"Do you think I can do this? To be paired with... with the man I once loved before?
Can you imagine how hard it is for me to have another connection with him? Mas lalo mo lang akong inilalapit sa kanya, Eli. You told me before that you are afraid to lose me... but why are you acting like... you're starting to let me go?"

"What the hell?" Sinalubong ako ng mukha niyang hindi makapaniwala sa sinambit ko. "Are you starting to feel that I no longer love you-"

"Because you're making me feel that way, Eli!"

Kanina ay nagagawa ko pang kumalma at pigilan ang sarili kong umiyak... kaso sa pagkakataon na ito, wala na akong lakas para labanan ang sarili ko.

"Come on, I didn't mean to let this happen. I'm so sorry if-"

Iniharang ko ang kamay ko sa harap ng mukha niya to signaled him to stop talking. "I need to process everything."

I immediately walk out of the building. Hinihintay ko kung hahabulin ako ni Eli... pero wala akong  napala kung hindi ang umasa sa wala. Okay, I got it. He's always like that... prioritizing his work before his girlfriend. May pasabi-sabi pa siya sa akin no'ng nakaraan na hindi niya gagawin sa akin 'yong ginawa niya no'n kay Magi.

Ano'ng nangyari ngayon?

Patuloy pa rin sa pagtulo ang luha sa mga mata ko, tila isang gripo na nasira ang pihitan kaya walang hinto sa pagtulo. Good thing that I'm wearing a cap and tinted shades just to hide how reddish my eyes are at this moment.

Wala halos taxi ang dumaraan sa mga oras na ito, so I just use my feet and walk... not even realizing that our office was kilometers away from where I am right now.

"Sakay."

Napalingon ako sa aking gilid... pati na rin sa isang lalaking naka-helmet na pinasasakay ako sa kanyang motor. "Si Yuwi ito, hindi ako kidnapper."

"Your size is... without the word 'napper'."

Bago pa magbago ang isip niya na pasakayin ako ay umangkas na ako kaagad sa motor niya. He just drove until we arrived at a place which I'm not familiar with.

"Where are we?"

"Bagong bukas na soju house ito ni Harris." Nauna na siyang pumasok sa loob kung kaya't ako naman ay sumunod na lang kay Yuwi.

Euphoria: Dosage of RhapsodiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon