“Huwag ka munang bumangon,” pigil ng isang babae sa akin sa akma kong pagtayo mula sa kinahihigaan.
My forehead creased, full of doubts kung bakit nasa… ospital ako?
“Why am I here?” I asked. “Tiyaka sino kayong dalawa?”
“You’re asking too many questions, aren’t you?”
“What do you expect? Hindi niya tayo kilala, mahal. Malamang magtatanong talaga ‘yan.” The guy chuckled.
So, these two are a couple pala. Kita n’yo nga naman, mas lalo lang nilang pinaparamdam sa akin na single ako.
“Anyway, I’m Magi…” She looked at the guy. “And he’s Dylan, my boyfriend--”
“Correction, fiance.”
“You really wanted to be entitled as my fiance, huh?”
Dylan leaned his face towards Magi, and just like that, he kissed his fiance in front of me.
Sinasadya ba talaga nilang magganyanan sa harap ko para maramdaman ko kung gaano kasakit at kalungkot maging single? O baka naman… likas sa kanila na makipag-flirt sa isa’t isa?
“How about you? What’s your name?”
“Ah napansin n’yo pa pala ako sa kalagitnaan ng paggawa n’yo ng sariling mundo,” bulong ko. “I’m Irene.”
“Nice meeting you, Irene.” Umupo sa gilid ng kama si Magi, at ang mas ikinagulat ko ay nang hawakan niya ang kamay ko. “If you couldn’t remember anything, nakita ka namin ni Dylan kagabi sa gilid ng kalsada.
We went to see kung ano’ng condition mo… but you seem to have fainted. Dinala ka namin kaagad rito sa ospital and nalaman naming nahimatay ka sa sobrang gutom.”
“Bakit naman nagpapalipas ka ng gutom?” Dylan asked. “You seemed to have a wealthy family naman based on how you look and how you speak… so, bakit nalilipasan ka ng gutom?”
“Hindi kami mayaman, ‘no? Tiyaka working student ako kaya ako ginagabi palagi ng uwi, kasi lagi akong night shift.
Hindi ako nakakain buong araw dahil nakalimutan ko na sa sobrang dami kong ginagawa.” Pinili kong ‘wag ng ilantad sa kanilang dalawa ang katotohanang nangyayari sa buhay ko.
Kakikilala ko pa lang sa kanilang dalawa, ‘di ako sigurado kung mapagkakatiwalaan ba sila.
“Kahit na overloaded ka ng works, ‘wag na ‘wag kang mag-s-skip sa pagkain. Makasasama sa health mo if gagawin mo ‘yon,” Magi said.
“I will take note of that.” I smiled. “Thank you sa pagtulong n’yo sa akin. Tatanawin kong utang na loob sa inyong dalawa ang pagtulong n’yo.”
“Don’t mention it, Irene. Kung kaya mo namang tumulong sa iba, why will you choose to let it slide, ‘di ba?” Dylan spoke.
“Since when did you become a lecturer, huh?” Magi chortled.
“Ngayon lang.” Dylan chuckled, his gaze glued at me. “Ihahatid ka na namin pauwi. Kaya mo na ba?”
I nodded. “I also need to go home. Baka hinahanap na rin ako sa bahay.”
After that quick conversation, which I had fun while listening to them, umalis na kami ng ospital. Sila na rin ang nagbayad ng hospital bill ko na hindi naman gano’n kalakihan, but still I’m grateful for them.
Nasa likod ako ng kotse, si Magi naman ay nasa passenger’s seat katabi si Dylan.
“Paturo ng direksyon ng bahay n’yo.”

BINABASA MO ANG
Euphoria: Dosage of Rhapsodies
Novela JuvenilLOVE YOURSELF: THE SERIES 2 For long years of moving on from the death of her first love, Corrine finally find the courage to open her heart again. She thinks she has moved on... not when one day, her first love came back to her life.