"Girlfriend?" sabay-sabay na tanong namin nina Harold at Celine sa lalaking bigla na lang lumitaw.
Ako rin ay napapatanong kasi hindi ko naman siya kilala kaya bakit sasabihin na lang niya na ako raw ang girlfriend niya?
Nahihibang na ba ang lalaking 'to?
"Excuse me--"
He smiled at me. "Let's go?"
Hinawakan niya ang kamay ko and was about to drag me out there ngunit napahinto siya.
Tiningnan niya ang kalmado nang si Celine. "Gawin mong hobby na makinig muna sa explanation ng boyfriend mo bago ka mag-conclude agad, huh?"
And we walked away from that place… Still he's holding my hand.
Gustuhin ko man na lumayo sa estrangherong lalaking ito ay hindi ko magawa. Nawalan ako ng lakas dahil sa mga nangyari, pawang hindi pa ganoon ma-process ng utak ko ang mga bagay.
"Thank me later," as he stopped from walking, he started talking. "Deserve ko naman, 'di ba?"
"Why did you do that?" I went straight to the point. "I don't even need your help, so why did you do that?
Hindi naman tayo magkakilala in the first place, so ano'ng karapatan mo na makialam sa buhay ko?"
"Ganyan ka ba magpasalamat?" He smirked at me.
"Nakita ko kasing may kaguluhan na nangyayari kaya lumapit ako. Hindi ko naman gawain na manghimasok sa iba... Pero dahil nararamdaman kong hindi marunong makinig 'yong babae sa explanation, edi gumawa na ako ng paraan."
"At 'yon ang paraan na sinasabi mo?" I asked. "Pinalabas mong girlfriend mo ako, gano'n ba?"
"Exactly!"
"Do you think it's funny?" I rolled my eyes.
"Hindi magandang ideya ang ginawa mo, Mr. Pakialamero! Paano na lang kung tanungin ako ni Harold tungkol sa iyo? Ano namang isasagot ko? Alangan namang sabihin ko 'yang reason mo--"
"Bakit ba ang hilig mong gawing big deal ang lahat, Ms. Talakera?" Ang ngisi sa kanyang labi ay hindi mabura-bura.
"Sakyan mo na lang ang bangka, edi solve ang problema. Pero kung ayaw mong nagsisinungaling sa kaibigan mo, pwede naman nating totohanin."
Lumaglag ang panga ko sa huli niyang sinabi. Tunog-seryoso naman ang sinambit niya pero… 'Yong nakakaasar niyang ngisi ang pumipilit sa akin na isiping pinag-ti-trip-an niya lang ako.
"By the way, hindi Mr. Pakialamero ang pangalan ko." Inilahad niya ang palad sa harap ko. "I'm Israel Villagas… honey bunch, sweetie pie for short."
Tinabig ko ang kamay niya. "Hindi ka yata marunong tumingin ng mahaba sa maikli, e."
I rolled my eyes at him for the nth time. "We shouldn't cross our path… Again."
Agad akong tumalikod at naglakad palayo sa lalaking 'yon. Hindi pa man ako tuluyang nakalalayo sa kanya, narinig ko pa ang huli niyang sinabi.
"Magkikita't magkikita tayo rito, 'no? Dito rin ako nag-aaral, e!"
Hindi ko na pinili pang bigyan 'yon ng atensyon at tuluyan na akong lumabas ng campus. Wala naman na akong iba pang gagawin doon bukod sa alamin kung saang lugar ako mag-o-OJT.
Kamalas-malasan pa dahil may hindi inaasahang nangyari… At nakilala ko pa ang lalaking 'yon.
Gwapo naman siya... kaya lang hindi ko gusto ang awra ng pagkatao niya… Nangangamoy playboy.

BINABASA MO ANG
Euphoria: Dosage of Rhapsodies
Teen FictionLOVE YOURSELF: THE SERIES 2 For long years of moving on from the death of her first love, Corrine finally find the courage to open her heart again. She thinks she has moved on... not when one day, her first love came back to her life.