Chapter 14

328 36 1
                                    

"Could you please stop acting like a jealous boyfriend? Nakakairita." Umirap ako sa kanya and try my best to remain at my composure.

"Oo nga naman." I heard him 'tsked'. "Sorry, ang possessive pala ng dating ko. Wala nga pala tayong label, dapat hindi ako magselos. Okay, I get it."

"Noon ko pa dapat inalam kung saan lang dapat ako lulugar at makikialam sa buhay mo. Sa pagkakataon na ito, sige, bibigyan na kita ng kalayaan," he added before turning his back at me. 

Wala akong ginawa kung hindi ang ikuyom ang kamao ko sa sobrang galit. Kung bakit ako galit? Hindi ko rin alam. Basta naiinis ako kay Israel dahil sa inakto niya ngayong araw. 

Alam kong hindi kami okay the last time we saw each other, pero enough ba 'yon para umarte siya nang ganon?

"I think kailangan mong makipag-usap sa kanya." And just like that, Harold caught my attention. "Hindi ko naman sinasabi sa iyong habulin mo siya para kausapin at magpaliwanag. Kung hindi ka pa handang gawin 'yon ngayon, baka sa ibang araw na lang."

"Alam mo, Irene… Hindi mo pwedeng idahilan sa akin na wala ka dapat ipaliwanag sa kanya dahil wala naman eka kayong label. Mayroon man o wala, I think deserve niya na malinawan sa nakita niya kanina." 

"I think I have nothing to prove," I bespoke, nagmamatigas na ako naman ang tama. "OA lang talaga ang lalaking 'yon, kaya kahit maliit na bagay ay tinitingnan niya as big deal. That's why sometimes, I'm irritated with him."

"You owe him an explanation, Irene. Just this once, free yourself from your pride. Stoop down from your position and talk with him." He brush my hair using his fingertips.

"Kung mabilis mawala ang tiwala mo sa isang tao, hindi magiging matibay ang pundasyon ng inyong relasyon. Huwag mong hayaan na 'yong tiwala ni Israel sa iyo ay biglang maglaho dahil lang pinairal mo ang pride mo at hindi mo piniling magpaliwanag."

All I did was to avert my gaze. Pinipilit talaga ako ni Harold na kausapin si Israel para lang magpaliwanag sa kanya? At ano'ng kasunod no'n? Magso-sorry ako?

I shook my head. "Sigurado naman akong lilipas din ang galit no'n sa akin, kung mayroon man. Tiyaka isa pa, hindi ko ugaling mag-sorry sa isang tao na wala naman akong ginagawang mali sa kanya."

"Kasunod ng explanation ang paghingi ng sorry… At hindi ako gano'ng klaseng tao. Ang mali rito ay siya, kasi nag-conclude kaagad siya nang hindi naghihintay ng paliwanag!" I hissed.

Ikinabigla ko nang yugyugin bigla ni Harold ang katawan ko. "You still can't get over from overthinking, aren't you?"

"Dala lang 'yan ng init ng ulo mo, Irene. Magpalamig ka muna tiyaka mo kausapin si Israel. Sa iyo na rin nanggaling na hangga't pwede pa ay ayusin mo ang isang bagay na kaya pang ayusin bago mo pagsisihan sa huli na 'di mo 'yon ginawa." He then tapped my shoulder and walked away.

While I was just standing with my own feet, hindi ko malaman kung ano'ng gagawin ko.

Hindi sa nagmamataas ako pero sa tingin ko, wala naman talaga akong dapat ipaliwanag kay Israel. For sure, maiintindihan niya rin ang lahat once na lumamig na 'yong ulo niya.

But on the other side, Harold has pinned a good point. Hindi nga naman lahat ng nakikita ng mga mata natin ay totoo. Nagkakamali rin 'yan sa pagbibigay ng review sa nakikita nito, that's why nilikha ang tao na may bibig. Para tugunan ng paliwanag ang hindi tugmang nakikita ng ating mga mata.

"Okay, fine!" Padabog na nilisan ko ang lugar upang hanapin si Israel. Feeling ko naman ay hindi pa siya gano'ng nakakatakbo ng malayo mula rito.

Hindi ako nagkamali sa hinuha dahil nang makalabas sa entrance ng resort, doon ko siya nakita. Ayokong mag-assume pero hinintay niya bang habulin ko siya?

Euphoria: Dosage of RhapsodiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon