Chapter 17

293 35 0
                                    

Pagmulat ko ng aking mga mata, laking gulat ko nang makita ang sarili na nakahiga sa isang kama at… may dextrose na nakakabit sa akin. That’s when I realize na nasa ospital ako ngayon.

Inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng silid ngunit isang nurse ang naabutan ko na abala sa pagkuha ng body temperature ko.

“Nurse, can I ask you something?”

“Ano ‘yon?” pagtugon nito.

“Paano ako nakarating dito? Sino ang nagdala sa akin dito sa ospital? Ako lang ba mag-isa ang isinugod rito? Wala akong kasamang lalaki?”

Lumayo ito sa akin na may nanlulumong mga mata. “I think ang mga pulis ang makakasagot sa mga tanong mo.”

Tuluyan nang lumabas ng silid ‘yong nurse, kasabay no’n ay ang pagpasok ng dalawang pulis. Both of them looking at me suspiciously na lalong ikinadagdag ng kaba na nararamdaman ko sa pagkakataon na ito.

“Miss Desiderio, right?”

“Nasaan ‘yong kasama ko? Nailigtas n’yo ba siya?”

“Hija, natagpuan ka ng grupo namin na nakahiga sa kalsada at may mga galos sa katawan. Ang kotse namang nabangga ay naabutan naming sumabog na. Kung ang tinutukoy mong kasama ay nasa loob ng kotse na ‘yon, siguro ‘wag ka nang umasa na mabubuhay pa siya,” sabi no’ng isang mamang pulis na may suot na cap.

“Nasaan ‘yong bangkay?” lakas-loob na tanong ko. “Hindi ako maniniwalang patay na siya kung wala akong makikitang bangkay!”

“Miss Desiderio, mahirap umasang may makikita tayong bangkay lalo’t ang taong ‘yon ay biktima ng pagsabog--”

“So, ang sinasabi ninyo sa akin ngayon ay… abo na lang siya? Walang bangkay kung hindi abo?”

“Natagpuan namin ito sa gilid ng kotseng sumabog.” ‘Yong isang pulis ay mayroong iniabot sa aking panyo. ‘Yon ang panyo ko na ginamit kong pamunas sa pawis ni Israel kanina.

Hindi, nananaginip lang siguro ako. Feeling ko naman bangungot lang ito, e.

Once na magising ako sa masamang panaginip na ito ay magiging maayos na ulit ang lahat… ‘di ba?

“Mauuna na kami.” At nakita kong lumabas na ‘yong dalawang pulis sa silid. Ako naman ay naiwan na nakatitig sa panyong ibinigay nila sa akin, may bahid pa ng uling dahil mukhang nasunog ang gilid nito dala ng pagsabog.

I still can’t believe the possibility that Israel really died from that accident. Nangako siya sa akin, e. Sinabi niyang lalabas siya nang buhay sa kotseng ‘yon. Sinabi niyang makakalabas siya roon, pero ano’ng nangyari?

Kung kailan namang handa na akong sumugal para lang magmahal, tiyaka pa mangyayari ito? Dapat ba hindi na lang ako nagpakipot noon sa kanya, edi sana na-enjoy ko pa na maging boyfriend siya… and most especially, naipaalam ko sa kanyang gusto ko rin siya, ‘di ba?

I just want everything to be perfect between us, and I don’t want to rush things out. I’m doing it at a slow pace, but life just proved to me that taking things slowly only means losing the opportunity to be happy.

“Irene…” Nilingon ko kung sino ‘yon, and it was Magi who called my name. She’s actually with Dylan and Eli.

Lumapit sa akin si Magi and didn’t hesitate to hug me. Yeah, I really need this right now. At this moment, kailangan ko ng mga taong masasandalan ngayon and I think, sila ‘yon.

“Hindi ito totoo, ‘di ba? Naniniwala akong buhay pa siya. Buhay pa si Israel--”

“Irene, you have to move on.” Hinarap ako ni Magi, maski siya ay umiiyak na rin pala. “Mahirap mawalan ng mahal sa buhay at sobrang nakakagulat na nangyari ito kay Israel. We still can’t believe that it is true, but we have no choice. Accept the fact that he’s already gone, Irene.”

Euphoria: Dosage of RhapsodiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon