Chapter 42

120 9 0
                                    

"Marunong na nga ako magluto, Harris! Let me cook, okay? I promise, I will not disappoint you!" 

"Wala ka bang tiwala sa kakayahan namin ni Magi? Aminado naman kaming hindi pang-kusina ang talent namin, pero sa pagkakataon lang na 'to, pagbigyan n'yo na kami. Promise, hihimatayin kayo sa sarap ng iluluto namin!" Julia persuaded the two to let them cook the dishes.

"Iyang chicken curry specialty ni Harris, hayaan mong kami ang gumawa n'yan. Mas sasarapan namin ni Magi ang luto riyan, tingnan n'yo."

"Utang na loob, umalis na kayong dalawa rito! Wala akong baon na diatabs para panlaban sa pagtatae at sakit ng tiyan!" 

"Grabe naman 'yang pangmamaliit mo sa talent namin sa pagluluto, Harris! Nakakasakit ka na ng damdamin, grabe ka!" pagpupumilit ni Magi 

"Sumama na lang kasi kayo roon kina Alec at Warren sa living room at manood ng TV. Hintayin n'yong matapos kami sa pagluluto, nang makakain na rin tayo ng sabay-sabay," ani Yuwi.

Abala siyang naghahalo ng fried rice sa kawali, inaalog 'yong kawali na parang ginagawa ng mga professional chefs.

"Bwiset kayo!" nagmamaktol na sambit ni Julia at 'yong dalawa ay nagtungo na nga sa living room.

'Grabe pala magmaktol 'yon si Julia... parang batang nagtatantrums.'

"Wow, fresh from the bagyo, ah? Kumusta? Ilan na-shoot n'yo?"

"Isa," tumatawang sagot ng kararating lang na si Dylan. "Okay na rin na kahit isa ay naka-shoot kami, kasi kung hindi… baka sipunin na kami roon." 

"Naawa 'yong bola, e," ani Israel naman.

"Si Magi?"

"Nasa living room, masama ang loob kay Harris. Ayaw kasing payagan na magluto."

"Excuse me?! Ikaw kaya ang nagpapunta roon sa dalawa sa living room at pinaghintay na makaluto tayo rito! Balak mo pang maghugas-kamay diyan, ah!"

Nang hindi nila namamalayan, umalis na si Dylan para hindi na pakinggan ang pinag-aawayan nila.

"Ako pala ang may kasalanan-" Napahinto si Yuwi sa pagsasalita nang mapansing wala na si Dylan. "Tingnan mo 'yong lokong 'yon. Nilayasan tayo!"

Wala namang nakakatawa pero natatawa talaga ako habang nanonood kina Harris at Yuwi na abalang nagluluto rito sa kusina. Mga handa na silang mag-asawa. Babae na lang ang kulang.

"Nang may magawa man lang kayong dalawa, hindi 'yong pinapanood n'yo kami magluto rito," Harris consoled and handed to me a tray of reddish beef. "Ihaw n'yo sa labas 'yan."

"Kami?" Itinuro ko pa ang sarili ko.

"Kung kaya mo naman mag-isa, pwedeng ikaw na lang."

"Sabi ko nga, kaming dalawa…"

Nauna na akong lumabas tiyaka dumiretsyo sa ihawakan na kanina lang ay pinanggalingan ko. It could have been better if si Julia or si Magi na lang ang nakasama ko rito… why should it be Israel?

Ayoko naman na magmukhang rude ako para ipakitang ayokong kasama si Israel, kaya um-oo na lang din ako. But for Pete's sake, the atmosphere is very uncomfortable. 

"Two weeks na rin tayong nagkakasama sa trabaho... you're still not comfortable with my presence, aren't you?" While grilling the beef, Israel chimed in. 

"I'm not-"

"Based on your actions, you are." Hindi ko man siya tinitingnan ngunit ramdam kong ang mga mata niya ay sa akin nakatingin.

"Kung anuman ang ginawa ko in the previous days and weeks to make you feel uncomfortable until now, I'm very very sorry. Sometimes, I'm not aware of every action I made. If ever one of my actions just made you feel that way… My greatest apology, Corrine." 

Euphoria: Dosage of RhapsodiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon