Chapter 22

292 30 0
                                        

His forehead creased. “Pardon? What are you talking about?”

He hummed a little. “I’m quite amused that this is our first time meeting each other… yet you already know my name.”

Naguguluhan ako… teka, bakit hindi niya na ako naaalala? Totoo ba itong nakikita ko o baka panaginip lang?

“Naikwento kasi kita sa kanya habang nasa biyahe kami. Kaya alam niya na ang pangalan mo,” my manager politely answered.

Hindi makapaniwalang tiningnan ko si Theo, dahil hindi niya naman nabanggit sa akin kanina ang pangalan ni Israel. What the hell is happening?!

“I see.” Ibinalik muli ni Israel ang tingin sa akin. “Nice meeting you, Miss Corrine-”

“Drop the ‘Miss’, please.”

As I came back to my composure, pinilit ko ang sarili kong magmukhang normal ang ikinikilos ko. Kunwaring hindi affected dahil sa muling pagtatagpo ng landas naming dalawa.

“I’m now your employee and you’re my boss. Ako dapat ang magpakita ng paggalang. Don’t be too formal, Mr. Villegas.”

Kahit na gustong-gusto ko na siyang yakapin ngayon dahil sa tuwa, pinigilan ko ang sarili ko na gawin ‘yon. Ayokong isipin niya na ang weird ko. Tiyaka isa pa, ayoko namang gumawa ng gano’ng bagay gayong hindi na niya ako naaalala.

Ang sakit ng araw na ito… ang araw na hindi ko inaasahang makikita ko siya ulit.

I have plenty of questions in my mind right now, but I don’t even know which of these questions I should prioritize to seek an answer. Kung uunahin ko ba na malaman kung bakit hindi niya na ako naaalala? O kung paano siya nakaligtas sa aksidente? Ano’ng nangyari sa kanya sa loob ng mahigit tatlong taon? Bakit ngayon lang siya ulit lumitaw?

“Do you know him?”

Nasa loob na kami ng kotse patungong condo ko. I was just sitting pretty inside the car when Theo suddenly started the interrogation.

“Theo.” I gave him a bored look. “It’s no longer part of your business to ask those personal questions. Have I forgotten to include that on your contract?”

“Excuse me, but the agency hired me, not you.” He then howled at me. “Makiki-chismis lang naman ako, ‘wag mo naman akong malditahan.”

“Paluin kita diyan, Theodora!” Napatawa ako. Alam na alam niya talaga kung kailan siya papasok sa usapan para makipagbiruan, e. “Kakilala ko siya dati, ‘yon nga lang ay hindi na pala niya ako naaalala.”

“Baka hindi mo pinaiinom ng Memo Plus Gold?” nang-iinsulto niyang sambit.

“Sige, bilhan mo. Sakto ‘yan, payday kahapon, oh?”

“Huwag mo akong subukan, girl. ‘Pag ako nagkaroon ng interes diyan kay Israel, alam mong bumabagsak sa ambulansya ang mga babaeng susubok na humawak sa ‘PROPERTY’ ko.”

Pinalo ko nga siya. “Please, ‘wag mo itutuloy ‘yan.”

“Biro lang naman. Alam mong committed na ako. ‘Wag ka na kabahan, okay?”

Hindi na lang ako nagsalita. I am forever thankful that Theo became my manager, kasi 2-in-1 siya. May manager na ako, mayroon pa akong kaibigan na malalapitan ko to ask for advice and to be my listener sa mga hinanakit at sama ng loob ko sa buhay.

Kapag hindi ko nakakausap sina Magi at Delancy dahil busy sila sa kanilang trabaho, at si Eli na alam kong marami ring ginagawa, si Theo ‘yong nalalapitan ko. I trust him very much, and always be grateful that he exists. Like what he always told me before, he says he was born to accompany a loner like me.

Euphoria: Dosage of RhapsodiesMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon