Chapter 52

105 7 0
                                    

Iisa lang ang taong gustong sirain ang buhay namin ni Eli? But… who's that bitch?

Sa oras na makilala ko ang taong 'yon, sisiguruhin kong iyon na ang huling araw niya sa labas ng kulungan. I will make that person pay and suffer for threatening Eli's life and for attempting to ruin my relationship with him.

"Corrine, are you okay?"

Nabalik ako sa wisyo nang marinig kong i-mention ni Tita Lea ang pangalan ko, and that's when I figure out that my mind was totally preoccupied passed in a couple of minutes.

"Uhh, yeah." Para itago ang awkwardness sa itsura ko, kung mayroon man, nginitian ko na lamang si Tita Lea. "It was just the dish my father prepared for us tasted so good."

"That's how it affects me," I whispered. 

Hindi ko alam kung effective ba 'yong naging palusot ko o baka halatang namamangka lang ako sa gitna ng malamig na panahon. But thankfully, their conversation continued.

Si Eli naman ay dahil nasa harap ko lang, bahagya nitong inilapit ang sarili sa akin para bulungan. "Are you okay?"

But I was hesitant to discuss with him what I found out earlier. I think this is not the right place para pag-usapan namin ang tungkol doon.

"Okay lang ako, Eli." I forced a smile. "There's something bothering my mind, but that's not important."

"You should've tell me-"

"Mayroon ngang isinusulat na kanta si Eli ngayon, kumpare! Sabi ni Ali sa akin, e para daw 'yon sa OST ng drama ni Corrine."

"Ma?!"

"Huwag mo akong sigawan, Elias! Hindi ako bingi!" pabalik na sigaw rito ni Tita Lea.

Si Eli naman ay punong-puno ng frustration ang mukha bago binalingan ng atensyon si Ate Ali. "Haven't I told you to keep your mouth shut, ate? Secret lang nga natin, 'di ba?"

"But… she promised me that she'll keep her mouth shut," ngumunguyang sagot ni Ate Ali, seems like she's not affected if anytime from now, Eli would bite her.

"Hindi naman yata narinig ni Corrine, anak-"

"She's not deaf." Naningkit ang mga mata ni Eli na bumalik sa pagkakaayos niya ng upo.

He glanced at me. "It was supposed to be my surprise for you… that I will be the one to sing the OST for your drama. Ako ang napili ni Direk, so I accept."

Bahagya kong inangat ang upuan ko upang maabot ang malagong buhok ni Eli tiyaka ko 'yon ginulo kahit na sobrang sama na ng timpla ng mukha niya.

"It's okay, Eli. Nabanggit na rin naman ni Direk sa akin ang tungkol sa bagay na 'yan. Your plan to surprise me won't work anyway, so don't be sad."

"What?!"

"Ayon naman pala, Eli! Hindi naman pala ako 'yong madaldal, kung hindi 'yang si Direk!" I heard Tita Lea hissed.

"Yeah. Pinilit ko siyang sabihin sa akin, 'cause I'm a curious cat, you know? May duda na ako na ikaw ang kakanta ng OST sa drama ko noong araw na pumunta ka sa set, pero naabutan mo kami ni Echo na gano'n, remember?" 

"But I was there to meet direk-"

"Exactly my point." I raised my left eyebrow at him tiyaka ako humalukipkip. "That's why na-curious ako kung bakit mo imi-meet si Direk. I'm sure there's something fishy going on, and so I tried my best to find it out. Masyado kang busy sa concert mo para magka-time ka na makipagkwentuhan lang sa kanya, 'di ba? Of course, you will meet him for some important business."

Euphoria: Dosage of RhapsodiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon