Chapter 34

159 12 0
                                    

"Did he?!" Magi shuddered, making a long, high-pitched noise. "So, what's the meaning of that? Ibig bang sabihin, Israel started to remember the past?"

"I'm not sure," I paused for a moment to drink a small amount of coffee. "After niyang sabihin 'yon, hindi ko na siya nagawa pang tanungin dahil agad siyang nakasakay na ng taxi. I just let it pass, and I didn't inform Eli about that."

"Okay na rin na sa amin mo muna sinabi kasi hindi ka pa naman hundred percent sure na nakakaalala na nga si Israel. Mamaya kasi ay nang-gu-goodtime lang 'yon. You know? Kahit na nagkaroon ng amnesia ang isang tao, hindi pa rin mabubura sa katawan nila 'yong nakasanayan nilang gawin."

"Indeed, Julia. Alam kong kabisado mo ang galaw ni Israel kasi way back in college, ikaw talaga ang favorite niyang pag-trip-an, e." Magi chortled while reminiscing about the past... which I'm not included in.

Surely, solid ang friendship nila noon. I can see in their eyes how they miss everything in the past, very much appalling to move forward in the present... adjusting to a bigger change.

"Ayoko nang maalala 'yon, nag-iinit ang ulo ko," Julia spluttered and bit her lips.

Silang dalawa ni Magi ang kasama ko rito sa coffee shop ni Julia just to unwind and to gather answers for my whereabouts. Right after maihatid ako ni Eli sa condo, umalis din ako agad para makipagkita sa dalawa, 'cause I really need someone to talk to.

At this time, I know Eli will not be the perfect person na kausapin ko.

However, Delancy is still unreachable. I don't even know why that woman changed all of a sudden.

"Inform ko nga pala kayo na nag-resign na si Delancy sa school na pinagtatrabahuhan namin," because of what Magi said, natigil ako sa pag-inom ng kape. "Next month, aalis na siya patungong Spain. She applied for a non-teaching job there. Nabababaan daw siya sa sahod ng teacher dito sa Pinas."

"Sus, alam kong isa si Warren sa dahilan kung bakit aalis ang babaitang 'yon," ani Julia. Chill na chill siya sa kanyang pagkakaupo na tila hindi siya nagulat sa balita. "Mukhang may habulan sa airport tayong matutunghayan."

"Actually, Warren started to doubt that Delancy was in another man's company." Napalingon 'yong dalawa sa akin nang magsalita ako. "But yeah, I know Delancy won't do that. Hindi ko pa man siya gano'n kakilala but I know, she's not a cheater."

"What if she is?" Julia spoke. "Matagal ko nang kaibigan si Delancy pero ni minsan ay hindi ko siya pinagdudahan. I even support her with her relationship with Warren, kasi si Warren 'yon. Alam kong hindi siya lolokohin ni Warren despite him having a history of being playboy."

"Pero akalain n'yo, may ilang pangyayari sa buhay natin na maaaring 'yong taong iniisip mo na hindi gagawa ng masama... sila pa 'yong gumagawa," she paused, shaking her head while laughing. "Kagaya ko. Hindi ako kriminal at mas lalong hindi ko kayang pumatay ng tao. I can't even imagine myself doing any type of crime. But then, I just did. 'Yong bagay na akala ko ay hindi ko magagawa, nakakagulat na nagawa ko pala."

Mukhang ang tinutukoy ni Julia ay tungkol sa pagiging sangkot niya sa pagkamatay ng lola ni Magi. Misery was reflected in her eyes upon being nostalgic about the past.

"Don't bring that issue again, Julia. We should forget about it. Alam kong napatawad ka na ni Lola, okay?" Magi half-hugged her friend. "Basta pagkatiwalaan na lang natin si Delancy, hmm? Kung hindi man si Warren ang endgame niya, hindi tayo papayag. Dapat si Warren, wala ng iba!"

"Ipilit natin 'yan," natatawa kong sabi.

Nagulat ako nang balingan ako ni Magi, smirking like an evil. "Kayo rin ni Eli, 'no! Alam kong may past kayo ni Israel, but still my vote goes to Eli. I really do believe that both of you have good chemistry."

Euphoria: Dosage of RhapsodiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon